27/03/2026
💻 Dell Ins 15-3511 Shorted SIO (Replaced And Programed EC & Bios) ☑️ ✅
FYI 😬
Dell isa sa pinaka makunat na repair.
Sabi ni Client dalawang Shop na daw pinarepair pero hindi parin nagawa, buti nlang hindi sya nanghinayang ipagawa sa atin. 😊
Ito ang dahilan kung bakit nasabi kung mahirap ang ganitong repair…
1st Hardware issue
hanapin ang root cause ng problema, sa Case ng laptop na to Shorted ang 3v Rail (nahanap naman ng tech na unang nagcheck ng unit) pero hindi nila natrace ang problema.
Siguro dahil walang source ng schematic at boardview kasi Paid ang pagdownload ng files.
2nd Software issue
Na pinpoint natin ang problema gmit ang Schematic at Boardview na nabili natin 🫢, at ito nga SIO ang root cause ng short sa 3v rail. At ang chip na to ay may lamang Firmware “which is also Paid” na kailangan para magdisplay ang laptop.
Kaya sa mga ibang Costumer jan na nagsasabi mahal magpagawa, wala na po libreng resources ngayon lahat may bayad na. ✌️😉