21/09/2022
KASAMA SA PANAWAGAN NATING MGA PASTOR ANG MAG-ARAL. Bakit?
2 Timothy 2:15 MEV
15 Study to show yourself approved by God, a workman who need not be ashamed, rightly dividing the word of truth.
1. FOOD. Espiritwal na Pagkain ang Salita ng Diyos, kung walang gana ang Pastor sa pagkain wala rin siyang lakas para pangunahan sa epiritwal na bagay ang mga pinagkatiwala sa kanya. Mahina ang Pastor kapag tamad siyang mag-aral. Ano ang ituturo mo kung wala ka namang natutunan. diba? Kapag may mga asong lobo na gustong sumila sa mga pinagkatiwala sayo hindi mo sila maipagtatangol kung mahina ka at kulang sa pundasyon. Diba?
2. FAITHFULNESS. Paano ka paniniiwalaan ng mga nasasakupan mo na mag-aral ng Salita ng Diyos eh nakikita sayo na binabalewala mo ang pag-aaral. Hindi mo sila pwedeng pilitin na maging TAPAT kung ikaw naman "Pastor" ay TAMAD. Ginagaya ka lang nila kaya huwag mong isisi sa kanila kung bakit di sila lumalago o ang ministeryong kinabibilangan nila.
3. FRUITFULNESS. Ang resulta ng ministeryo ay malabsa kapag hindi naka tuntong sa BIBLIA. Maaring dumami, pero hindi lang ito ang basehan ng mabunga. Maaaring marami pero malabsa. Mabunga ang ministeryo kapag ang Biblia ay isinasagawa. Huwag mong isipin pastor na madadaan lang palagi sa Charisma, galing sa pagsasalita, porma at iba pang panlabas na katangian para maging mabunga. Iba padin kapag BIblia ang iyong pundasyon. Matibay din ang magiging bunga.
4. FERVENCY. Yung bigay todo ka pero driven ka lang pala ng emotion, kwento at patawa siguradong nakakapagod yan. You can be an inspirational Preacher but not a Biblical Preacher. But remember this, a Biblical preacher always inspire people using the Word of God. Matibay yan at Pangmatagalan. Sabi ng ilan "as the spirit leads" Just remember this the Holy Spirit will always lead you to the teaching of Christ hindi sila magkokontra. Kaya kapag wala kang daladalang mga aral ni Cristo baka maling aral na ang maturo mo. (John 14:26 But the Helper, the Holy Spirit, whom the Father will send in my name, he will teach you all things and bring to your remembrance all that I have said to you.)
Disclaimer: Self-Study is good, Non-formal study is better and Formal study is the best. Anuman dito may degree of result yan sa ating mga buhay paglilingkod. Ang mahalaga gusto mo at ginugusto mo ang mag-aral. Hindi Ito para ibaba ang kapwa ko pastor kundi dalhin sila sa ikakatatag ng kanilang ministeryo. Mahal ko kayo.
BASTA'T HINDI PWEDENG HINDI KASAMA SA SCHEDULE NATING MGA PASTOR ANG PAG-AARAL.