23/06/2026
May sumpa ba talaga ang 7 years? 💔 Biglang dumaan sa newsfeed ko yung post ni Ser Geybin at nagulat talaga ako. Napa-stalk tuloy ako agad kay Mam Elma. Akala ko nung una prank lang. In denial pa ako at ayoko pang i-open yung pictures na pinost nila. Mas inuna ko pang basahin yung comments kasi feeling ko hindi ko pa kayang basahin yung caption. (Ay wow, super affected yarn, self?! 😅)
Pero true pala talaga na hiwalay na sila. Grabe, hindi mo talaga masasabi ang mga pangyayari sa buhay, lalo na sa pag-ibig. Mapapaisip ka na lang na 'wag na kaya magmahal kung sa hiwalayan din naman ang end game? Char! ✌️ But like they say, everything happens for a reason. Si Lord pa rin ang nakakaalam ng lahat. At least sinubukan nilang ilaban, pero minsan hindi lang talaga nagwo-work. Lalo na kapag hindi na mutual ang feelings, mauubos at mauubos ka lang talaga.
Kaya mas pinili na lang nilang bumitaw. Praying for both of them, for sure hindi ito madali for both parties. Hoping na mahanap nila ang kani-kanilang healing at happiness. ✨ Spread love lang always!