20/11/2026
https://www.facebook.com/share/19iBY8HqDy/
Pa-heart and share po ng ating Christmas Tree Official Entry no. 1 ng STNCS until Nov. 22 at 12nn only. Godspeed po!
Magandang araw sa inyong lahat at sa ating mga minamahal na judges.
Ako po si Noel Allain G. Rubial isang buhay na halimbawa ng pananampalataya, pag asa, at pagkakawanggawa ng pagkakaroon ng official entry ang Sto. Tomas North Central ngayong taong 2026, na may temang Kabataang tomasino, Nagkakaisang sanga, Nagliliwanag na pag asa.
Ang mga materyales na ginamit namin dito ay ang latex paint na blue and white simbolo po ito ng langit, kalawakan, at ng Mahal na Birheng Maria na siyang pong ina ni Jesus.
Di ba po bawal ang Coke sa bata pero pag meron po tayong nakukuhang tagumpay minsan bumibili po tayo ng 1.5 bottle na coke para mag celebrate, kaya nag-reuse po kami ng bote. Ito ay sumisimbolo ng b isang bata o isang pamilya na sama samang nag ce-celebrate.
Bamboo o kawayan na hinubog pa spiral upang mag silbing daan para ma korte pataas ang mga bote simbolo po ito ng bawat araw na gumagawa tayo ng mga mabubuting bagay ay unti unti po tayong lumalapit patungo sa star o bituin, at patungo sa tagumpay po natin.
Gumamit din po kami ng pako, ika nga po ng iba “you nailed it” nakita po ng mga mag aaral ng STNCS na, ”Aba yung bote ko naging Christmas tree nga”.
Gumamit po kami ng glue stick para mag-recycle at maka buo ng bulaklak mula sa takip ng bote upang makadadag po sya ng saya sa Christmas tree po namin.
Cotton buds naman po para lagyan ng snow flakes yung mga bote sa pinintahan ng blue, simbolo po ito na kahit madilim ang gabi meron parin pong pag asa.
Muli ako po si Noel at maraming salamat po
Sa criteria po ng originality at creativity dahil sa spiral na bote nakabuo po kami- ng isang korteng bell, kampana o project tawag (Maka Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa
Workmanship: binuo po ito ng mga STNCS parents at mga learners na bawat isa ay nag bigay ng 1.5 empty bottle ng coke
Isang malaking biyaya o blessing din po na ito ay displayed within the school premises area for p***c viewing and judging. Ang pinaka background po ng Christmas tree ng Sto. Tomas North Central School ay ang SDO Sto. Tomas City Office na sya din pong naging Gen. Miguel Malvar Memorial School since 1910.
Entry No. 1 Sto. Tomas North Central School