29/08/2026
BAHA AT BROWNOUT
Pansamantalang papatayin ng PELCO III ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa San Simon, Sto. Tomas at Minalin ngayong Sabado, August 29.
Ayon sa PELCO III, kailangan itong gawin dahil sa matinding pagbaha malapit sa kanilang substation at bilang pag-iingat upang maiwasang masira ang mga kagamitan.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang:
* San Simon โ Quezon Road, Terra Cotta, Power Point, SSIP, McDonaldโs, K*K, Villas Subdivision, Nayong Tsinoy, Global 2 at iba pa.
* Sto. Tomas โ San Matias, Moras dela Paz, Sto. Rosario at Pandaras.
* Minalin โ Sto. Domingo, Sta. Maria, Lourdes, San Isidro, Pasak at Culcul.
Wala naman umanong tiyak na oras kung kailan mawawala at maibabalik ang supply kuryente.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na maghanda para sa pansamantalang pagkawala ng kuryente.