27/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐?
Ang ๐๐ช๐ค๐ฉ๐ฉ๐ฐ๐ณ๐ฏ๐ช๐ข ๐ค๐ณ๐ข๐ด๐ด๐ช๐ฑ๐ฆ๐ด, na karaniwang tinatawag na water hyacinth, ay isang invasive na halamang-tubig na mabilis kumalat at maaaring magdulot ng malaking epekto sa mga ekosistemang pantubig. Kapag ito ay dumami nang labis, maaari itong bumuo ng makakapal na kumpol sa ibabaw ng tubig na humahadlang sa pagpasok ng sikat ng araw, nagpapababa ng antas ng oxygen sa tubig, at nakaaapekto sa iba pang organismong pantubig. Maaari rin itong makasagabal sa pangingisda, paglalayag, at iba pang gawain ng tao na nakadepende sa mga anyong-tubig.
Bilang paraan ng biological control, ginagamit ang mga Neochetina weevil (๐๐ฆ๐ฐ๐ค๐ฉ๐ฆ๐ต๐ช๐ฏ๐ข ๐ฆ๐ช๐ค๐ฉ๐ฉ๐ฐ๐ณ๐ฏ๐ช๐ข๐ฆ) and (๐. ๐ฃ๐ณ๐ถ๐ค๐ฉ๐ช) upang makatulong sa pagkontrol sa populasyon ng water hyacinth. Ang insektong ito ay likas na kumakain ng water hyacinth. Ang adult weevils ay kumakain at nagdudulot ng pagkalagas ng mga dahon ng halaman, habang ang larvae ay gumagawa ng mga lagusan sa loob ng mga petiole at stolon. Dahil dito, humihina ang estruktura ng halaman, nagiging mas madaling kapitan ng mga sakit, at kalaunan ay maaaring humantong sa pagbagsak o pagkamatay nito.
Sa kabuuan, ang paggamit ng Neochetina weevils ay isang likas at mas napapanatiling pamamaraan upang mabawasan ang pagkalat at negatibong epekto ng ๐. ๐ค๐ณ๐ข๐ด๐ด๐ช๐ฑ๐ฆ๐ด sa mga ekosistemang pantubig.