19/10/2026
𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐅𝐑𝐎𝐌 𝐍𝐄𝐆𝐀𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐘 | 𝐂𝐈𝐕𝐈𝐂 𝐖𝐄𝐋𝐅𝐀𝐑𝐄 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝟏 𝐖𝐄𝐁𝐈𝐍𝐀𝐑 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 💜✨
📅 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟏𝟖, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | ⏰ 𝟖:𝟎𝟎 𝐀𝐌
💭 𝐐𝐔𝐎𝐓𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐃𝐀𝐘
“Ang mabigat ay gumagaan kapag pinagtutulungan.”
— 𝐏𝐫𝐨𝐩. 𝐉𝐨𝐡𝐧 𝐏𝐚𝐮𝐥 𝐌. 𝐃𝐞𝐥𝐚 𝐏𝐚𝐳
Isang makabuluhang talakayan tungo sa mas positibong pananaw at mas maliwanag na kinabukasan! 🌱💫
Matagumpay nang natapos ang ating webinar na may temang 𝗙𝗥𝗘𝗘 𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗙𝗥𝗢𝗠 𝗡𝗘𝗚𝗔𝗧𝗜𝗩𝗜𝗧𝗬! Nagsilbi itong pagkakataon upang matuto, makinig, at mas mapalawak ang ating kaalaman tungkol sa positibong pag-iisip, pagharap sa mga hamon, at pag-unawa sa pinagdaraanan ng bawat isa. Higit pa rito, pinaalalahanan tayo ng gawaing ito tungkol sa kahalagahan ng malasakit sa kapwa at pagiging responsableng mamamayan ng lipunan.
Ayon sa ating Campus Director na si 𝐃𝐫. 𝐀𝐫𝐦𝐚𝐧 𝐃.𝐂. 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨𝐬, “We need to understand that not everybody has the ability to process our feelings and at the same time, know what to do during this difficult situation.” Ipinapaalala nito na hindi lahat ay kayang lubos na maunawaan ang ating nararamdaman o malaman kung paano tayo tutulungan sa mahihirap na sitwasyon. Kaya mahalagang pairalin ang pag-unawa, malasakit, at paggalang sa pinagdaraanan ng bawat isa. 🤝💜
Sa bawat kaalamang ating natutuhan, nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang ating isabuhay ang mga aral na ating napulot at gamitin ang mga ito sa paggawa ng kabutihan. Sapagkat ang tunay na pagkatuto ay hindi nagtatapos sa pakikinig, bagkus ito ay nagsisimula sa pagsasabuhay ng ating mga natutuhan.
Kaya naman, lagi nating pakatatandaan ang mensahe ni 𝐒𝐢𝐫 𝐉𝐞𝐰𝐚𝐫𝐝 𝐁𝐫𝐢𝐚𝐧 𝐆𝐮𝐦𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠, 𝐑𝐏𝐦: “You cannot always control what happens to you, but you can learn to control how you respond to it.” Bagama't hindi natin kontrolado ang lahat ng nangyayari sa ating buhay, maaari naman nating piliin kung paano tayo tutugon sa mga pagsubok na darating sa ating buhay. Sa halip na magpadala tayo sa negatibidad, piliin nating harapin ang mga ito nang sama-sama, nang may pag-asa, tapang, at positibong pananaw. 🌻✨
Taos-pusong pasasalamat sa ating tagapagsalita, mga tagapag-organisa, at lahat ng iskolar ng bayan na nakilahok at naging bahagi ng makabuluhang gawaing ito. Nawa'y hindi lamang manatili sa ating isipan ang mga aral na ating natutuhan, kundi maisabuhay rin natin ang mga ito sa araw-araw. 🙌💜
Sama-sama nating palayain ang isipan mula sa negatibidad, yakapin ang positibong pananaw, at maging bahagi ng pagbabagong nagsisimula sa ating sarili!
📝: Publication | Warren Abad
🖼️: Creatives | Thea Mapili