06/08/2026
Ngayong Buwan ng Wikang Pambansa, kinikilala natin ang mahalagang papel ng Wikang Filipino at artificial intelligence (AI) sa pananaliksik at pagbabahagi ng kaalaman.
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, “may bagong katuwang sa pagkatuto at paglikha ng karunungan: ang artificial intelligence o AI. Isang makabagong kasangkapan na nagpapabilis ng pananaliksik, nagpapalawak ng impormasyon, at nagbubukas ng bagong posibilidad.”
Ngunit tulad ng binibigyang-diin ng KWF, ang kaalaman ay hindi sapat na mabilis lamang - dapat din itong maging tumpak, nauunawaan, at makabuluhan. Ang impormasyong naipapahayag sa sariling wika ay mas nagiging malinaw, mas malapit sa mamamayan, at mas kapaki-pakinabang. Sa huli, tao pa rin ang humuhubog sa direksiyon ng AI.
Sa MG Printing, naniniwala kaming magkasangga ang tradisyunal na pagkatuto at makabagong teknolohiya. Sinusuportahan namin ang pinagsamang paggamit ng mga aklat, workbook, at iba pang nakaimprentang materyales, kasama ang AI at iba pang digital na kasangkapan, upang makatulong sa pagpapalaganap ng kaalaman at patuloy na pag-unlad ng Wikang Filipino.�
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa! 🇵🇭📚
📧 [email protected]
📱 0917 899 9369
☎️ (02) 8726-4437
🌐 www.mgprinting.co