16/05/2026
Share ko lang guys, nangyari ito kagabi around 8PM.
May nag-PM sakin sa TikTok na gusto magpa-JB ng Nintendo Switch. May nakita raw siyang seller sa Facebook na nagbebenta ng Switch. Ang usapan pala nila, ipapa-ship direct sakin yung unit para ako na ang gumawa o mag-JB, then after ko matapos, isesend ko naman sa buyer/new owner.
Sa una, wala akong idea na bibili pala siya ng unit at ipapadala sakin โ nalaman ko lang nung may tumawag sakin na lalamove rider kuno.
So eto na nga, yung seller daw nag-book ng Lalamove. Tumawag pa sakin at sinabi na otw na raw yung unit. Pero noong una siyang tumawag, medyo hindi ko maintindihan sinasabi niya kasi tinatanong niya kung okay na raw ba usapan namin ng seller ng Switch.
Sabi ko naman, โSinong seller?โ kasi wala naman akong direktang kausap.
Then doon ko lang naalala na may nabigyan pala ako ng details ko. Nang tanungin ko pa, sinabi niya na nakakuha raw siya ng Nintendo Switch OLED sa halagang โฑ6,000 with 512GB included.
Doon pa lang, medyo nakakapagtaka na kasi sobrang mura โ parang too good to be true.
Pero dahil moving naman yung tracking link, naghintay pa rin akoโฆ hanggang 4AM.
Ito yung link na binigay nila:
https://www.sharelalamove.online/share-lalamove-customer?fbclid=IwY2xjawRz_GJleHRuA2FlbQIxMABicmlkETE0VTIweU5LS1ZIbHhwUVlnc3J0YwZhcHBfaWQQMjIyMDM5MTc4ODIwMDg5MgABHljS75vlTUpDoHlDHCmw_iuGwVb7vINy6EqjbM5T94QCgHrNzc2KqiovYMkl_aem_ka8lPauncHfscx45Q18WiQ
Kung mapapansin niyo:
Kakaiba yung URL
https://www.sharelalamove.online/
Hindi official Lalamove tracking link
Gumagalaw yung rider sa map
Pero pag malapit na sa drop-off, titigil lang
Kapag nirefresh mo, biglang lalayo ulit
Paulit-ulit lang yung cycle para paghintayin ka nang matagal
So basically, fake tracking site siya para magmukhang legit ang transaction.
Kaya warning sa lahat ng buyers at sellers online:
Huwag agad magtiwala sa sobrang murang presyo
Huwag muna magbayad hanggaโt hindi verified
Buyer dapat mismo ang mag-book ng delivery
Always double check the tracking link
Mas okay kung may video call para legit check
Be extra careful sa social media transactions
Maraming scammers ngayon at mas gumagaling modus nila, kaya doble ingat talaga.
Stay safe guys, at sana walang mabiktima nito.
Ganito original link ng lalamove https://share.lalamove.com/
Rider is heading to the destination point. You can track its real-time location here: https://www.sharelalamove.online/ PH10022430523150008702510010023708356&lang=en_PH&sign=14c0c378cbcc094f206fda9b8266a8f9&source=android