31/08/2020
No to Discrimination!!
Kung mayroon tayong makikitang kapitbahay natin, or pamilyang sinasakay sa ambulansya dahil suspected covid 19 patients o kahit confirmed positive na, huwag naman nating kunan ng picture o ivideo, Mas dapat na kung may makita tayong gumagawa nun ay pigilan natin.
Huwag nating gawing kahiya hiya yung kanilang sitwasyon.
Bagkus, dumungaw tayo sa mga bintana natin o tumayo sa gate na may sapat (at least 6 feet) na distansya at isuot ang ating mask. Tapos bigyan natin sila ng thumbs up o ipadama natin na sinusuportahan natin sila. Ipadama sa kanila na hangad natin ang kanilang mabilis na paggaling.
Unawain natin yung pinagdadaanan ng kasamahan natin.
Sila ay maysakit at hindi mga kriminal. Gagaling sila ngunit ang alaala ng mga taong gumawa sa kanila ng mali ay mananatili sa kanila ng habambuhay.
Napakarami sa kanila nakuha ang Covid-19 virus sa kanilang mga trabaho, hindi sila mga pasaway at mas lalong hindi nila ginusto na magkaroon at mahawa nito.
Mahirap po ang kanilang pinagdadaanan, subukan nating pagaanin sa pagpapakita ng pagmamahal.
Let us spread love and build confidence.
WEAR MASK
WASH HAND
Ipanalangin din natin ang mabilis na paggaling🙏🙏
Let's Pray for everyone safety🙏🙏🙏
If you have nothing good to say, zip your mouth. You don’t know someone’s battles.