17/05/2026
𝘼𝙣𝙜 𝘿𝙝𝙪𝙡 𝙃𝙞𝙟𝙟𝙖𝙝 𝙖𝙮 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙪𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤𝙣. 𝙄𝙗𝙞𝙜 𝙨𝙖𝙗𝙞𝙝𝙞𝙣, 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙣𝙜 𝘿𝙝𝙪𝙡 𝙃𝙞𝙟𝙟𝙖𝙝 𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙥𝙖𝙨𝙤𝙠 𝙖𝙣𝙜 𝙈𝙪𝙝𝙖𝙧𝙧𝙖𝙢, 𝙣𝙖 𝙨𝙞𝙮𝙖 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙪𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤𝙣.
𝘼𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙪𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙢𝙥𝙪𝙣𝙜-𝙖𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝘿𝙝𝙪𝙡 𝙃𝙞𝙟𝙟𝙖𝙝 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙠𝙖-𝙢𝙖𝙞𝙞𝙣𝙖𝙢 𝙣𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙖𝙧𝙖𝙬 𝙨𝙖 𝙡𝙤𝙤𝙗 𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙤𝙣.
Sinabi ni Allah (Subhanahu wa taala):
﴿وَالفَجْرِ * وَلَيَالٍ عَشْرٍ﴾ [الفجر: 1 - 2]
“Sumpa man sa (pamamagitan ng) Fajr, at sa (pamamagitan ng) sampung gabi (ng unang sampung-araw ng Dhul Hijjah).”
At ang pagsumpa na iyan, ay nangangahulugan ng kadakilaan at kainaman ng mga araw na ito.
At sinabi naman ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam):
«أَفْضَلُ أَيَّامِ الدُنْيَا العَشْرُ.» [صحيح الترغيب والترهيب: 1150]
Ang pinakamainam na mga araw ng mundo ay ang sampo (na unang araw ng Dhul Hijjah).”
At ang kainaman na iyan ay saklaw niya ang umaga at gabi ng mga araw na ito. Maliban sa mga gabi ng huling sampung-araw ng Ramadan, sapagkat ang mga ito ay mas mainam kaysa sa mga gabi ng unang sampung-araw ng buwan ng Dhul Hijjah.
[Yundhar: Majmu’ Al-fatawa: 25/287, Sharho Azzad lish Shenqeetiy: 108/5]
Sinabi ni Ibn Hajar (Rahimahullah):
«وَالَّذِي يَظْهَرُ، أَنَّ السَّبَبَ فِي اِمْتِيَازِ عَشْرِ ذِي الْحِجَّةِ، لِمَكَانِ اِجْتِمَاعِ أُمَّهَاتِ الْعِبَادَةِ فِيهِ، وَهِيَ الصَّلَاةُ، وَالصِّيَامُ، وَالصَّدَقَةُ، وَالْحَجُّ، وَلَا يَتَأَتَّى ذَلِكَ فِي غَيْرِهِ.» [فتح الباري: 2/460]
“At ang siyang malinaw, na ang dahilan ng kainaman ng unang sampung-araw ng Dhul Hijjah, ay dahil sa pagkaipon ng mga pangunahing pagsamba dito, na ito ang Salah, ang Ayuno, ang Sadaqah, at ang Hajj, na ito ay hindi nagaganap sa iba sa kanya.”
Isinalaysay ni Ibn Abbas (RadiyAllahu anhu) na sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam):
«مَا مِنْ أيَّامٍ العَمَلُ الصَّالِحُ فَيْهَا أَحَبُّ إِلَى اللهِ مِنْ هَذِهِ الأَيَّامِ.» -يَعْنِي أَيَّامَ العَشْرِ-، قَالُوا: يَا رَسُولَ اللهِ، وَلَا الجِهَادُ فِي سَبِيلِ اللهِ؟ قَالَ: «وَلَا الجِهَادُ فِي سَبِيلِ اللهِ، إِلَّا رَجُلٌ خَرَجَ بِنَفْسِهِ وَمَالِهِ فَلَمْ يَرْجِعْ مِنْ ذَلِكَ بِشَيْءٍ.» [صحيح أبي داود: 2107]
“Walang mga araw, na ang mabuting gawain sa mga ito ay lubos na kaibig-ibig kay Allah, maliban sa mga araw na ito (ang unang sampung-araw ng Dhul Hijjah).” Sinabi nila: O Rasulullah, maging ang Jihad para sa landas ni Allah (ay mas mainam ang mabuting gawain sa mga araw na ito)? Sinabi Niya: “Maging ang Jihad para sa landas ni Allah, maliban sa lalaking inilabas ang sarili niya at yaman niya, at hindi na nakabalik mula doon kasama ang mga ito.”