19/02/2026
๐ฆ๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฎ
Sa gitna ng daloy ng ilaw at usok ng lansangan,
isang sirenang humahagulhol ang sumisigaw sa daan.
Buhay ang pasan
ngunit hinarang ng patakaran.
โEmergency ba?โโtanong na tila bakal.
Habang ang oras ay kumakalas, kumikitid ang daigdig.
Hindi baโt kapag sirenaโy umaatungal sa paligid,
dapat kusa ang pagbukas ng landas at dibdib?
Hindi baโt sa gitna ng batas at ng alituntunin,
buhay muna ang unahin, bago ang papeles at hangarin?
Sa ibang sulok ng mundo,
mas mabilis ang awa kaysa tanong na paulit-ulit na pasan.
Kayaโt may wikang tila punyal sa damdamin.
โHindi ako nagsisisi kung bakit hindi ko pinili ang Pilipinasโ โanak na may bilin.
Parang sampal sa bayan,
ngunit higit ang hapdi ng pusong naiwan. Sapagkat kung ang nakaupoโy may wangis ng kapangyarihan,
baka isang kumpas lang, luluhod ang lansangan.
Sino ang may sala sa pagkahuli ng sandali?
Ang uniporme bang sumunod, o sistemang tumanggi?
Kung batas ay bato at pusoโy naging pader,
saan lulugar ang buhay kung awaโy nakabase sa poder?
Hindi ito sigaw laban sa isa lamang,
kundi laban sa bulok na ugat ng pamamalakad ng bayan.
Sapagkat ang gobyernong 'di magkatugma ang galaw,
sa gitna ng krisis, tila orkestrang sabog ang tugtugin at sigaw.
Buhay ang usapanโhindi pribilehiyo o ranggo.
Hindi dapat sinusukat sa taas ng posisyon o titulo.
Kapag may sirena, dapat iisa ang kilos.
Magbigay-daan at 'wag igapos.
Nawaโy sa bawat ilaw na kumikislap sa gabi,
magising ang budhi sa tungkuling nakaligtaan.
Sapagkat ang bansang walang malasakit sa naghihingalo,
unti-unting namamatay, kahit tila buhay pa sa mundo.