02/10/2026
Tanggal ang angas ng iPhone 18 Pro Max Fully Paid haha
Fun fact: alam n'yo bang hindi kailangan ng internet para magamit ang Apple Find My para hanapin ang nawawala n'yong Apple device?
Kahit offline yung Apple device, nakakapag-broadcast ito ng Bluetooth signals, na napi-picku ng mga malalapit na ibang Apple devices, tapos yung mga may internet, sila ang nagre-relay ng approximate location papunta sa network ng Apple. That's how the Apple Find My network works.
Of course, kung may naccaw na iPhone sa paligid mo, hindi sasabihin ng Apple sa iyo yon. Dinesign ng Apple ang network nila para hindi malaman ng mga nearby devices kung ano at sino ang tina-track using public-key cryptography and end-to-end encryption.
Pero ayon, eh ano kung naka-"Lost Mode"? Ano ang magagawa nung kumuha?
Unless highly skilled ang kumuha, parts-out ang bagsak n'yan. Yung Activation Lock, kahit na i-reset nang i-reset, naka-associate pa rin 'yan sa device, na kakailangan nng authorization nung original na owner. Dun pa lang, apektado na agad ang resale value n'yan.
So ayon, as Apple owners, dapat alam n'yo yung mga security features ng phone na finully-paid n'yo (allegedly). Sayang naman kung pang-mirror shot lang 'yang bagong iPhone 18 Pro Max n'yo.
Your tech advisor, EXE.
💬 Magkano ang typically na budget mo para sa isang bagong smartphone?