VMC Files

VMC Files Every Montessorian has his own stories to tell. Be heard! Share it with us. You may send your confession here: http://goo.gl/forms/dvYFh08gMe

11/10/2015

Don't forget to share your πŸ˜ƒ I-confess mo na yan!

11/07/2015

Nakikiuso

"Kapag ganitong tag-ulan lalo na at suspendido ang klase, sa internet masarap maglibang. Naisip kong magbukas ng Facebook, kaninang umaga ayos pa pero nung magbukas ulit ako nung gabi na-peste na ako. Puro ""comment ""sh*t"" here and I'll post my first impression on your timeline"" yung laman ng wall ko. Nagkalat na naman ang mga walang magawa kundi sumunod sa uso. Na para bang napakalaki ng maitutulong kapag nalaman nila ang first impression ng mga taong nakapaligid sa kanila, na puro lang naman kababawan at pambobola. Kung gusto mo talagang makilala ang sarili mo, dun ka magtanong sa mga taong malapit sayo, hindi sa mga taong kilala ka lang sa pangalan mo. At kung gusto mo talagang magkaroon ng magandang impression sayo, umayos ka ng kilos, gamitin lagi ang utak at mag-aral ng maigi. "

Anti-herd

07/07/2015

β€οΈπŸ’™

Napansin ko sya kasi ang galing nya magbasketball tapos hindi sya mayabangπŸ˜‚ parang ang kalog kalog nyang tao πŸ˜‚πŸ˜‚ kaya hindi ako magtataka bakit andaming nagkakagusto sakanya. And no wonder isa ako sa mga yon :))) Pero syempre hindi ako umasang mapapansin ako ni asdfghjk. Kase diba sino ba naman ako. Hindi pa ko maganda tulad ng mga girls na nagustuhan nya. Tska diba sabi nila imposibleng magustuhan ka ng crush mo.

03/07/2015

A MESSAGE FROM THE ADMINISTRATORS:

Kami ay nagpapasalamat sa mga positibong reaksyon patungkol sa VMC Files ng aming mga kapwa montessorian, maging ng mga taga-ibayong paaralan na tumatangkilik sa grupong ito. Ito ay napagpasiyahang buuin bitbit ang layuning makapag-bigay ng pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari sa nakalipas o maging sa kasalukuyan. Ito ay walang halong intensyong sirain ang pangalan ng paaralang nagtataguyod ng aming karunungan, bagkus pa'y maipakita sa mga mambabasa kung gaano kasaya ang maging isang montessorian. Maluwag naming tinatanggap maging ang mga negatibong komento patungkol dito at patuloy naming ginagawan ng paraan ang pagkakaroon ng mas mapayapang pag-talak ng mga istoryang inyong ibinabahagi. Kami'y humihingi ng paumanhin sa mga taong natatamaan at nasasaktan sa mga ilang istorya sa VMC Files, dahil dito'y mas palalawakin namin ang sensitibong pamamahagi. At kami rin ay nagpapasalamat dahil napapasakit namin ang tiyan ng ilan dahil sa labis na katatawanan. Maraming salamat sa lahat, at gusto naming sabihing ang mga pagkakamali'y naitatama at ang inyong mga komento'y mapapakikinggan. ☺

Mabuhay Montessorians! Be heard!

03/07/2015

CRUSHπŸ’œ

Lagi ko sya nakikita , Lagi ko sya nakakasalubong sa stairs , Lagi ko sya nangingitian. There is something about him. Then one day nagulat ako kasi inadd nya ko. :"> (Siya to yung kuya na lagi kong nakikita) HAHAHAHA.Di naman ako chix para di ko sya iaccept db? :)) So, Yun nagawa ko na ang dapat kong gawin then nagopen ako ng twitter (Opppsss sya na naman) Hahaha edi finollow back ko naman sya :) Ang keme nya pag nagpopost ako sa Twitter umeepal sya lagi. Tapos one day nalaman ko na may CRUSH sya saken. Yieeee. Haba ng hair ko :') Ehh.. Ayoko magkacrush nun kasi may Bf ako loyal na loyal ako sa bf ko nun , pero niloko nya lang ako. Awe sadla πŸ’” Laging sinasabe ni Kuya *Toot* saken "Pahinga muna sa Lablyp ate" HAHAHAHA Pero di ako nakikinig sa mga sinasabe nyang info about kay Ex. Lumipas ang ilang buwan (Fast forward) Hanggang sa nalaman ko magkasunod kami ng *Toot* yieee :") MTB πŸ’œ djk. Tapos sya na kusang umamin na Crush nya dw ako nung Dec pa daw nung loyal pa dw ako sa ex bf ko HAHAHAHA :D CRUSH ko din naman sya :) Kaya nung nanligaw sya inentertain ko naman. Pero kahit di ako chix nagpapakeme ako hanggang ngayon :)) Ahahaha ang keme no? :") Hanggang ngayon nagaantay pa sya sa matamis kong "OO" To be continue... (Update ko kayo sa matamis kong "OO")

asdfghjkl

03/07/2015

VMC Files

Guys may narinig ako about sa mga nagpapa-unlike ng page at hinahanap daw yung admin ng page na to. Bakit po niyo kailangan pa ipa-unlike tong page na 'to kung dito lang sumasaya at nagiging bond ang mga taga vmc (nag-aaral pa dito o kahit graduate na). Dito lang naman nila nailalabas lahat ng saloobin at mga karanasan nila sa VMC at wala akong nakikitang masama doon. Pangalawa sabi nila hinahanap daw nila yung admin ng page na to para lang daw sabihan at payuhan ng kung anu-ano pero para sa akin hindi iyon ang gagawin nila kakausapin at ipapadelete nila tong page na ito. WTF di ba? Common sense lang naman kakausapin lang at papayuhan sa mga dapat gawin? Hindi nyo maloloko yung admin ng page na to. Ipapadelete nyo talaga to yun talaga yung nakikita kong rason kung bakit gusto nyo malaman kung sino ang admin/s ng page na to. Sorry ha nagulat lang talaga ako sa nabalitaan ko. PS. I'm not one of the admin of this page. Graduate na ko from ths school.

attention seeker

01/07/2015

MULTO

Nangyare ito.... lately lang. Bago lang ako nun. Bale wala pa akong alam sa mga kwento kwento sa VMC. Pero may iba na akong naririnig na nga kwentong katatakutan doon. Oo, mahilig ako sa mga ghost stories. Hindi ko alam kung bakit pero matatakutin naman ako ng kaunti. Nakakaramdam din ako ng mga kaluluwa o sa madaling salita... multo. Bale malapit na nung mag uwian. Wala na kaming teacher at talagang ang ingay ingay sa loob ng room. Naisipan kong puntahan yung kapatid ko sa room nila sa 4th floor (nasa 3rd floor yung room namin) para magpaalam na hindi ako sasabay sa pag uwi dahil sa may group activity pa kaming kailangang gawin. Yung room ko, sa taas lang nun yung room nila. Paakyat na sana ako. Medyo tahimik nun sa hallway at stairs na papunta sa 4th floor. May nakita akong bata..... lalaki.... nakita kong umakyat sya doon. Hindi ko na napansin kung saan ba sya galing bago sya umakyay. Nauna sya saakin ng kaunting hakbang. Mabagal sya maglakad. Pero di ko na pinapansin. Nakayuko ako nun. Medyo naiinis na nga ako dahil parang ang hinhin ng bawat galaw nya. Maya maya nakarating na ko sa 4th floor. PERO LAKING GULAT KO NG DI KO NA MAKITA YUNG BATANG KASUNOD KO. imposible namang dumiretso sya sa fifth floor at nakaalis kaagad ng mabilis gayong ang bagal nya maglakad. Tumingin tingin ako sa bandang kanan kong hallway dahil baka nandun sya lumiko........pero WALA. At wala ring ibang tao na nasa labas ng rooms nila bukod saakin. Doon ko lang narealize na baka..MULTO lang yung nakita ko. Gumapang saakin agad ang kakaibang kilabot. Ewan ko basta napatakbo nalang ako nun pabalik sa room namin. Tinanong pa nga ako ng kaklase ko kung bakit daw hinihingal ako pero hindi ko nalang sinabi dahil alam kong baka hindi lang sya maniwala at sabihin nyang gumagawa lang ako ng kwento. Pero totoo talaga yung naramdaman kong yun! Kaya sana mag ingat nalang kayo. Always pray nalang.... hanggang ngayun kase palaisipan parin sakin kung ano yung nakita ko.

PABEBE

01/07/2015

Audi

Birthday kasi ni dr lascano nun so kakanta kami (vmcc). So nasa audi kami syempre as a student at magagabi na nun nagtatakutan kami tas sinaway kami ni sir kasi sobrang ingay nanamin haha tili kasi sila ng tili so tumigil na din kami.Nakaupo kaming lahat nun ng biglang may dumaan sa pinto na anino so nung una hindi namin pinansin kasi baka yung janitor lang yun magagabi na din kasi tapos dumaan uli pinabayaan lang namin uli tas kwentuhan tas nung umupo na si sir ervin dun sa chair nya kasi irerehears nanamin uli yung song biglang may kumatok eh that time medyo badtrip na si sir tapos pinabayaan lang namin uli tapos kumatok nanaman nabwiset na si sir nun tas sinabi nya nalang "Magrehears na nga lang kayo dyan maliligo nalang ako" tas tumahimik nalang kaming lahat.Sorry medyo mahaba p.s Sir ervin miss na miss ka nanamin huhuhu 😭😭😭😭 We love youuuu 😚❀

Squammy /skwammy

01/07/2015

YOLO

Mayroon po akong mga classmates nung Grade 9 palang kami, they always go out every Saturday para ano? Para mag-inuman. Para mag party. And they called it "YOLO". Hindi lang siya simpleng inuman, hindi rin siya simpleng party. May mga bagay silang ginagawa na only "liberated people" do. Mga bagay na hindi ginagawa ng mga normal na tao at our age. Sa bahay ni classmate sila nag-iinuman, daddy niya nagpapainom. At pagka nagkalasingan na, sa room ni classmate ay may nagaganap na dare. May spin the bottle kasi, kung sino matapatan ng bote ay bibigyan ng dare. Tipong dare na "hawakan ang Santolan Station ni ganito", "hawakan ang bunga ng papaya ni ganyan", "i-torrid si ganito", basta marami silang ginagawa na karumal dumal at nakakadiri. Sinasabi ko to not because naiinggit ako sainyo kasi di niyo ko sinasali, but because I'm concerned and I know that this stuff need to stop. Kung may makakabasa mang teacher nito, sana po gawan niyo ng action. Dito ko nalang po ibubulgar dahil natatakot po ako sakanila. At least my identity in here is safe.

Concerned Citizen

01/07/2015

still into you.... πŸ˜‚

May gusto lang ako sabihin kay daga (di ko alam kung alam niya pa na siya si daga πŸ˜‚ dko rin alam kung nagbabasa siya dito) Hello daga! Kamusta ka na? Grabe hanggang ngayon di pa ata ako nakakamove on huhuhu! Sobrang daming masasakit na nangyari na dko pa rin makalimutan pero naaalala ko din yung mga happy moments. Pag naaalala ko un, napapasmile ako hayyy. Miss na kta! Pag ngpaparamdam ka, pag nkikita kta, di pa rin mwala yung kaba ko. Iba sa feeling huhu. Nabibitter ako sa pinalit mo sken huhu anong meron sya na wala ako? Di hamak nman na mas maganda ko dun hahahaha joke! Pero sana masaya kayo. Masaya ako para senyo

01/07/2015

Lolo

i'm an alumni galing VMC. Hindi sa vmc yung nangyaring icoconfess ko kundi sa baguio. May Marraige Encounter retreat kase parents ko nun sa Baguo so kasama kami kase 4 days yun. So ayun 3rd day nun nung nangyari. Ang sama kase ng pakiramdam ko nun. Sabi ko aakyat nalang ako ng kwarto nila Mama. Kase yung kwarto nila nasa 3rd or 4th flr ata? Di ko sure kase ang tagal na nun. Naalala ko lang. So ayun. Nasa 2nd floor na ata ako nun nung tumingin ako sa bungad na bintana. Pag tingin ko may LOLO na nakabarong tas nakaslacks na black. tas ang puti kase ng mukha niya. Tas tiningnan ko lang siya kase akala ko kasama lang namin siya. Tas umakyat ako ulit. Nag isip ako. Sabi ko sa sarili ko, lahat ng kasama namin sa baguio kilala ko kase mga tito at tita namin yun. Tyaka walang nakabarong. Tas tangna namulat ako sa katotohanan nasa 8th floor na ko. Tinry kong bumaba ulit pero p**a walang ilaw sa 6th at 7th. Wala akong nagawa pumasok nalang ako ng kwarto namin mismo tas nagdasal tas natulog. Ayun kinabukasan nagising ako nilalagnat ng mataas. Pumunta dun yung lola ko kase pinaakyat ng mga kasama ko sa kwarto kase nga ang taas ng lagnat ko. Kiinwento ko na may nakita akong lolo na nakabarong sa bintana habang paakyat ako. Sabi ng LOLA ko, baka daw nabati ako. Hindi ako natakot nun kase alam kong kasama ko si Lord paakyat ng 8th floor. Siya naglibang sakin para makaakyat dun. Thanks Papa God. Loveyou! :*

MAY FOREVER

01/07/2015

SHANGRI-LA

SHOUT OUT NGA PALA SA KAKLASE KO DATI NUNG GRADE SEVEN NA SOCIAL CLIMBER!YUNG CLASSMATE KO NA SABI NYA SA SHANGRI-LA SIYA NAGBIRTHDAY TAPOS SAHOD DAW NG TATAY NYA 300,000 A MONTH(KINABOG PA UNG PRESIDENTE NATING PANOT) PERO AMOY PUTOK NAMAN!!KALA KO BA MAYAMAN KAYO?BAKIT NAMAN KAHIT DEODORANT LANG DI KA MAKABILI O KAHIT TAWAS NA LANG MAKAHINGA LANG KAMI NG MAAYOS NUNG TIME NA YUN.MAYAMAN DAW SILA PERO DI MAN LANG MAKAPAGPAREBOND NG BUHOK KULANG NA NGA LANG MAPAGKAMALANG WALIS TAMBO.TAPOS YUNG MGA DAMIT NIYA SO ANNOYING TALAGA!! FIT NA FIT PA MGA SINUSUOT KALA MO NAMAN KASEKSIHAN TAPOS UNG MUKHA MO, MAY NAGTITINDA BA SA INYO NG POND'S MURA LANG NAMAN YUN DIBA?MAYAMAN NAMAN KAYO (SABI MO) O KAYA MAGPARETOKE KA NA LANG KUNG DI TALAGA KAYA HINDI KO NAMAN GUSTONG INSULTUHIN KA, NAKAKINIS LANG KASI SAYO PINAGPIPILITAN MO SA AMIN NA MAYAMAN KAYO, OKAY LANG NAMAN NA AMININ MO NA HINDI TALAGA KAYO MAYAMAN MAS MAGUGUSTUHAN KA PA NGA NAMIN KUNG HUMBLE KA.YUN LANG NAGPAPASALAMAT NA RIN AKO NA HINDI NA KITA KAKLASE NGAYON (NAKAKAHINGA NA AKO NG MAAYOS) P.S PINAGKAKALAT NIYA PA NGA SA BUONG ROOM DATI NA IPHONE CELLPHONE NIYA PERO DINADALA NIYA 3210 YATA DI AKO SURE BASTA MAKALUMA TAPOS MAY PINDUTAN

PABANGO

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when VMC Files posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share