03/08/2025
"Kung ang mga makina nga ay binibigyan ng sapat na oras para uminit bago gamitin, bakit hindi rin natin bigyan ng ganitong konsiderasyon ang mga batang umaasang ang paaralan ay lugar ng pagkatuto, at hindi lugar ng tahimik na pagkapagod?"
-Zyrene Lintag at Keziah Marie Macatingrao
๐ท๐๐๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐๐๐, ๐จ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐, ๐บ๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐, ๐บ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ด๐๐ ๐บ๐๐๐?
Ikaw, kung susubukan mong paandarin ang isang sasakyang malamig pa ang makina, kahit pilitin mo pang apakan ang silinyador, hirap itong magsimula, mabagal ang takbo, at madaling tumirik. Gayundin ang sitwasyon ng maraming mag-aaral ng Juan Sumulong High School. Pinipilit na lamang gumalaw, makapag-isip, at matuto isang oras bago pa ang sinag ng araw. Katawaโy hindi pa tuluyang gising, at ang utak ay tila naiwan pa sa higaan.
Habang ang ibang pampublikong paaralan gaya ng Jose P. Laurel High School ay nagsisimula ng alas-siyete ng umaga, ang mga Sumulongians ay tila napag-iwanan sa isang iskedyul na hindi alinsunod sa natural na ritmo ng kabataan.
Ayon sa datos mula sa isinagawang sarbey, karamihan ng mga mag-aaral sa Juan Sumulong ang naitalang mahirap at masyadong maaga ang ganitong oras ng pasok. Dagdag pa rito ang 37.5% na laging inaantok at pagod, habang kalahati nito ang naihayag na minsan lang inaantok ngunit kinakaya pa rin. Ito ay malilinaw na senyales na hindi balanse ang hinihinging enerhiya ng sistema sa tunay na kakayahan ng katawan ng kabataan.
Ang inaakala ng ilan na simpleng โadjustmentโ lamang ay isa palang tahimik na pagsasakripisyo ng pisikal at mental na kalusugan. Sa murang edad pa lamang, tila yakap na ng mga kabataan ang puyat at pagod bilang karaniwang bahagi ng buhay-eskwela. Ngunit sa katotohanan, ito ay hindi dapat ituring na pamantayan kundi isang hudyat na kailangang muling suriin ang umiiral na iskedyul.
Ayon sa mga pag-aaral mula sa World Health Organization (WHO) at National Sleep Foundation (NSF), ang mga estudyanteng nasa edad 13 hanggang 18 ay nangangailangan ng 8 hanggang 10 oras ng tulog araw-araw. Ngunit kung alas-sais ng umaga ang simula ng klase, kadalasan ay alas-singko o mas maaga pa ang kanilang gising. Ibig sabihin, maraming kabataan ang kulang sa tulog araw-arawโisang bagay na direktang konektado sa pagbaba ng akademikong performance, pagkakaroon ng anxiety, at pangmatagalang problema sa kalusugan.
Sa katunayan, hindi nakapagtataka na 75% ng mga Sumulongians ang nagsabing dapat nang baguhin ang oras ng pasok. Hindi na lamang itong pangkaraniwan na isyu ng "pagiging sanay", kundi ito ay walang duda nang pagkapagod, pagbagsak ng konsentrasyon, at higit sa lahat ay pangmatagalang epekto sa kalusugan ng mag-aaral.
Sapagkat kung mismong mga mag-aaral na ang umaamin ng kanilang pagkapagod, hindi baโt nararapat lamang na pakinggan ang kanilang boses? Hindi sapat na sabihing โsanayan lang iyan,โ kung ang kapalit naman ay pagkahapo at pagkaubos ng sigla ng kabataan.
Kung ihahambing sa Jose P. Laurel High School at sa ibang malalapit na pampublikong paaralan, makikita ang pagkakaiba, sapagkat lahat ng sumagot sa sarbey ay alas-siyete ang kanilang pormal na pagpasok. Nang tanungin sila kung sapat ba ito, ang ilan ay nagsabing sapat, habang ang iba ay nagsabing kulang pa rin o kayaโy mas maayos kung mas ipapatagal ang oras ng pagpasok. Nang malaman nila na may mga mag-aaral na alas-sais ang simula ng klase, 66.7% ang naitalang masyadong maaga ito para sa kanila, kaparehong porsyento nito ang sumagot na babagsak ang pokus at enerhiya sa ganitong oras.
Mahalagang balikan ang layunin ng edukasyonโito ay hindi lamang upang magpasa ng papel o makakuha ng mataas na marka, kundi upang ihanda ang kabataan sa mas malawak na mundo. Ngunit paano ito maisasakatuparan kung mismong kondisyon nila sa pang-araw-araw ay taliwas sa kung anong kailangan ng isip at katawan upang matuto nang epektibo?
Maaaring sabihing nasanay na ang ilan, katulad ng 25% ng Sumulongians na nagsabing hindi na ito problema sa kanila. Subalit, sapat ba ang "nakasanayan" kung ang kapalit naman ay puyat, pagod, at panghihina ng katawan at isipan? Isa pa sa 25% na ang umaaming nahihirapang gumising, at may ilan pa ring palaging nahuhuli o hirap pa rin sa ganitong iskedyul.
Ang mga datos at salaysay ng mga mag-aaral ay malinaw na sigaw para sa pagbabago. Sa panahong sinisigaw natin ang kalidad na edukasyon, dapat ding isulong ang kalidad na kondisyon para sa pagkatuto. At magsisimula ito sa pagkilala na hindi lahat ng disiplina ay dapat sinusukat sa pagiging maaga. May disiplina rin sa pakikinig sa katawan. May disiplina sa pag-aalaga sa kalusugan.
Kung patuloy na ipipilit ang ganitong sistema, hindi lang katawan ang pagodโpati pangarap ay maaaring mapundi. Ang batang puyat ay batang hirap matuto. Ang batang pagod ay batang hirap mangarap.
Hindi dapat kalimutan na bawat estudyanteng pumapasok nang puyat ay hindi lamang katawan ang pagodโpati pangarap ay unti-unting nauupos. Hindi lang oras ng gising ang dapat tingnan, kundi ang kabuuang epekto nito sa emosyonal, mental, at pisikal na aspeto ng isang batang nagnanais matuto.
Kung ang mga makina nga ay binibigyan ng sapat na oras para uminit bago gamitin, bakit hindi rin natin bigyan ng ganitong konsiderasyon ang mga batang umaasang ang paaralan ay lugar ng pagkatuto, at hindi lugar ng tahimik na pagkapagod?
Dibuho ni: Bersones
Artikulo nila: Zyrene Lintag at Keziah Marie Macatingrao