15/08/2026
🎉 10 YEARS NA SA SHOPEE!
Grabe… 10 years na pala. 😂
August 2016 nung nag-start kami magbenta sa Shopee. Honestly, hindi ko na maalala kung anong exact date pero since January ko pa hinihintay mag-10 years yung shop profile namin. 😂
And finally… 10 YEARS! 🥹
Ang dami nang nagbago sa Shopee since then. Naabutan namin yung panahon na 0% platform fees, may libreng pouch, libreng AWB, at manually mo pa ilalagay yung waybill number kapag Grab or JRS ang shipping. 😂
From being a small seller trying to figure things out online, hanggang sa iba't ibang products, iba't ibang trends, at iba't ibang challenges along the way…
10 years later, nandito pa rin. ❤️
Salamat sa lahat ng naging customers namin through the years. 🙏
Meron ba dito na 10 years+ na rin sa Shopee? Anong pinaka-naaalala niyo sa old Shopee days? 😂