07/09/2026
Every business has seasons.
May season na pataas. Malakas ang sales, sunod sunod ang opportunities, mataas ang momentum, at maraming naniniwala sa ginagawa mo.
Pero para sakin, importante rin yung season na pababa.
Kasi minsan, doon mo makukuha yung strength, resilience, wisdom, at bagong ideas na kailangan mo para makarating sa next level.
Habang lumalaki ang negosyo mo, lumalaki rin ang challenges.
Walang totoong business na puro high time lang. Walang entrepreneur na habang buhay smooth sailing.
Pero ito ang magandang part.
Every challenge solved is another level unlocked.
Hindi lang para sayo bilang leader, kundi para sa buong organization mo.
Every problem forces you to think better.
Every setback teaches you something.
Every difficult season exposes kung ano pa ang kailangan mong ayusin sa sarili mo, sa leadership mo, at sa systems ng negosyo mo.
At dito mo rin makikita kung sino talaga ang kasama mo sa journey.
May mga taong bilib sayo kapag maganda ang takbo.
Kapag mataas ang sales, malakas ang momentum, at panalo ang lahat, madaling maniwala.
Pero pag dumating ang challenges, may ibang nawawalan agad ng bilib.
Tapos kapag maganda na ulit, saka babalik.
Ganun talaga.
Kaya sa business, matutunan mong hindi dapat nakadepende ang confidence mo sa dami ng taong naniniwala sayo during your high season.
Mas importante kung ano ang natutunan mo during your low season.
Because high seasons show the results.
Difficult seasons build the person and the organization capable of handling the next level.
Kaya kapag may challenge, hindi ibig sabihin pabagsak ka na.
Baka preparation lang yan para sa mas malaking responsibility, bigger opportunity, at next breakthrough.
Keep building.
Keep learning.
Keep solving.
Every season has a purpose. And every challenge you overcome prepares you for another level.