12/08/2026
Hello po sa lahat ng clients ng aming page. π€
Gusto lang po naming ipaliwanag nang maayos kung bakit required ang downpayment (DP) para sa mga order-basis na unit.
Kapag wala po sa aming current stock ang specific na model ng device ninyo, o-order po namin ito overseas specifically for your unit. Ibig sabihin, maglalabas muna kami ng capital para ma-secure at ma-order ang stock.
Bakit kailangan ng DP?
Dahil ilang beses na rin po kaming nakaranas na pagdating ng stock, biglang kino-cancel ang order. Kapag nangyari po iyon, kami ang naiwan sa product cost, shipping/handling, at minsan pati Lalamove or pull-out expenses. Hindi po biro para sa isang online business na ma-tengga ang stocks, lalo na kung specific model lang ang compatible.
Kung on-hand stock naman po, walang problema at hindi naman namin kailangang mag-require ng DP sa parehong paraan. Pero kung special order / overseas order, kailangan po namin ng commitment through downpayment para parehong protected ang client at ang business.
Ang pag-require po ng DP ay hindi automatic na scam. Security measure po ito ng isang online business, lalo na sa mga order na kailangang i-purchase specifically para sa client.
May mga proof, receipts, transaction records, at feedbacks naman po kami from previous clients. Para sa mga naging clients na namin, malaya po kayong mag-vouch at mag-share ng experience ninyo tungkol sa service at transactions namin.
Sa mga naka-order na po at na-installan namin, maraming salamat sa tiwala. π
At sa mga nagtatanong kung bakit may DP, sana po ay maintindihan ninyo na hindi ito dahil gusto naming pahirapan ang clients. Ilang beses na rin po kaming na-cancelan at na-ghost after ordering the stocks, kaya kailangan din naming protektahan ang business namin.
We value every client and we always do our best to provide a transparent and professional service.
Thank you po sa mga nakakaintindi, nagtitiwala, at patuloy na sumusuporta sa aming online business. π€