10/09/2024
Para sa batang ako,
Ngayon, iniisip mo kung anong kinabukasan ang naghihintay sa iyo. Araw-araw, bitbit mo ang mga bagaheng iniwan sa iyo ng iyong mga magulang at ng mga taong minsan mong inasahan na sana’y may mga kamay sila na gagamiting pansalo sa iyong makailang ulit na pagbagsak. Maraming pagkakataon na hiniling mong sana, dumating ang kinabukasan kung kailan ihaharap sa iyo ng pagkakataon ang mga pangarap mo at makakamit mo ang pagkabuo.
Kung maaaari lang sana, malaman mo ngayon na matagal kang mananatili sa pag-iisa at maliligaw ka sa paghahanap mo ng kahulugan ng buhay. Hahanapin mo ang pag-ibig at magbabakasakali kang masagot ang mga tanong kung bakit maraming ipinagkait sa iyo ng uniberso. Sa paglalakbay mo, galit ang magiging sandata mo. Kalungkutan ang iyong magiging matalik na kaibigan at maraming bagay kang hindi mauunawaan at aasa ka sa mga panandaliang kasiyahan. Maraming mananakit sa iyo at marami ka ring masasaktan nang di mo mamamalayan.
Kung maaari lang sanang makausap kita, ipapaalam ko sa iyo na darating ang isang unos na babago sa takbo ng iyong buhay. Aakalain mong mawawala ka na nang tuluyan sa sarili ngunit huwag kang mag-alala, magkakaroon ka ng tapang na hindi madadaig ng mga takot mo sa kabaliwan at pagkawala.
Para sa batang ako, huwag kang magmadali. May nakalaang oras para sa lahat ng bagay. Ngayon, ang kailangan mo lang gawin ay mabuhay at piliin ang araw-araw na pag-iral. Mahahanap mo ang pag-ibig ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon. Madudurog ka nang ilang ulit ngunit ito ay para mabuo’t mahubog mo ang sarili sa kung anong dapat at tamang paraan. May mga tanong sa buhay ang masagot at ikaw ay magiging mas mabuting bersyon ng ikaw.
Para sa batang ako, huwag kang mag-alala. Sa ilang ulit mong pagkahulog, may sasalong pag-ibig sa iyo. May kapayapaan kang makakamit sa gitna ng gulo ng buhay at mapapakawalan mo rin ang hindi mabitiw-bitiwan na mga bagahe. Magpapatuloy kang umusad at malayo ang mararating mo.Para sa batang ako,
Ngayon, iniisip mo kung anong kinabukasan ang naghihintay sa iyo. Araw-araw, bitbit mo ang mga bagaheng iniwan sa iyo ng iyong mga magulang at ng mga taong minsan mong inasahan na sana’y may mga kamay sila na gagamiting pansalo sa iyong makailang ulit na pagbagsak. Maraming pagkakataon na hiniling mong sana, dumating ang kinabukasan kung kailan ihaharap sa iyo ng pagkakataon ang mga pangarap mo at makakamit mo ang pagkabuo.
Kung maaaari lang sana, malaman mo ngayon na matagal kang mananatili sa pag-iisa at maliligaw ka sa paghahanap mo ng kahulugan ng buhay. Hahanapin mo ang pag-ibig at magbabakasakali kang masagot ang mga tanong kung bakit maraming ipinagkait sa iyo ng uniberso. Sa paglalakbay mo, galit ang magiging sandata mo. Kalungkutan ang iyong magiging matalik na kaibigan at maraming bagay kang hindi mauunawaan at aasa ka sa mga panandaliang kasiyahan. Maraming mananakit sa iyo at marami ka ring masasaktan nang di mo mamamalayan.
Kung maaari lang sanang makausap kita, ipapaalam ko sa iyo na darating ang isang unos na babago sa takbo ng iyong buhay. Aakalain mong mawawala ka na nang tuluyan sa sarili ngunit huwag kang mag-alala, magkakaroon ka ng tapang na hindi madadaig ng mga takot mo sa kabaliwan at pagkawala.
Para sa batang ako, huwag kang magmadali. May nakalaang oras para sa lahat ng bagay. Ngayon, ang kailangan mo lang gawin ay mabuhay at piliin ang araw-araw na pag-iral. Mahahanap mo ang pag-ibig ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon. Madudurog ka nang ilang ulit ngunit ito ay para mabuo’t mahubog mo ang sarili sa kung anong dapat at tamang paraan. May mga tanong sa buhay ang masagot at ikaw ay magiging mas mabuting bersyon ng ikaw.
Para sa batang ako, huwag kang mag-alala. Sa ilang ulit mong pagkahulog, may sasalong pag-ibig sa iyo. May kapayapaan kang makakamit sa gitna ng gulo ng buhay at mapapakawalan mo rin ang hindi mabitiw-bitiwan na mga bagahe. Magpapatuloy kang umusad at malayo ang mararating mo. Malayo ngunit hindi ka na nag-iisa; malayo ngunit hindi ka na nag-iisa.