29/04/2026
Ano ang process namin sa pag-gawa ng stickers?
1. Ilayout sa software yung mga design na binigay ni client. - Ginagawa namin ito para malaman kung ilan ang kasya sa isang A4 size sticker sheet,
2. Ipakita ang final layout kay client at humingi ng approval, at kung may changes naman tulad sa sizes or number of stickers per page. I-e-edit namin ulit.
3. Pag-approved na ang lahat at satisfied na si client, I-print na ito sa aming printer. Gamit namin printer ay Canon Maxify GX5070 (Pigment Ink)
4. Once printed, dadaan na tayo sa cold laminating process. Ginagawa ito para maging Waterproof at scratch proof ang sticker at para mag-pop lalo ang kulay.
5. Pag na-laminate na ang stickers, pupunta na tayo sa cutting process. May dalawang uri ng Cut ng Stickers, Kiss-cut or Die-cut. Ang popular na lagi inoorder ay die-cut para ipang benta o ibigay.
6. Lastly, pag na-cut na lahat ng stickers. Ipapackage na ito at pwede na kunin ni client.
Yan ang process namin sa pag-gawa ng stickers. So, interesado ka ba magpagawa? Send us a message or comment here.