10/09/2026
Basahin po para sa ating impormasyon.
Mga posibleng dahilan kung bakit ka nakakaexperience ng mabagal na internet.
1. Masyado kang malayo sa modem kaya yung signal na nasasagap mo ay bawas na at 3 bar na lang.
2. May pagitan na pader/barrier sa cellphone mo at modem mo kaya bawas na ang signal na nasasagap.
Tandaan: Limitado lang po ang kayang sakupin ng WIFI SIGNAL ng modem, hindi rin po ito masyadong tumatagos sa pader, habang papalayo ka sa modem, asahan mo na babagal talaga ang koneksyon.
3. Pwedeng hindi naman talaga signal ang problema, baka naman cellphone na ang mabagal, baka naman sobrang daming nakabukas na application diyan sa cellphone mo na nagiging dahilan ng pagbagal nito. Nangyayari ito madalas sa mga cellphone na medyo napag iwanan na ang specification, Kung may budget bumili ng kahit nasa mid-range na gadget.
tandan: nahihirapan ang processor kapag maraming nakabukas na application, tandan mor in na kaya taon-taon naglalabas ng mga bagong cellphone na mas upgraded mas hightech dahil tumaas or bumibiga ang mga application ng dina-download natin, kaya nga pansin mo halos buwan buwan inaupdate natin ang mga application sa playstore or Kundi man. Naka auto update na ito.
4. MODEM β Masyado mainit ang modem na nagiging dahilan ng pabagal ng internet.
tandan: tadaan natin na ang mga modem ay parang cellphone at computer din yan na may CPU sa loob nito na kapag mainit siya masyado ay bumabagal ito. Parang tao lang din yan, kapag naiinitan po tayo diba nahihirapan tayo.
TANDAAN: Kapag nag reklamo kayo, isa ito agad sa mga tinitingnan naming, at kapag Nakita naming na normal naman ang status, tyaka kami nanghihingi ng video sa inyo para macheck kung ano ba Talaga ang problema, kasi posibleng number 1,2,3 na ang problema.
5. FIBER POWER INPUT SA MODEM β May tinatawag tayong power ng fiber na pinapasok sa modem natin, may required range ito na dapat pasok sa standard, posibleng bumagal ang internet kapag hindi ito pasok sa required power ng modem para mag function ang internet ng maayos.
TANDAAN: Kapag nag reklamo kayo, isa ito agad sa mga tinitingnan naming, at kapag Nakita naming na normal naman ang status, tyaka kami nanghihingi ng video sa inyo para macheck kung ano ba talaga ang problema, kasi posibleng number 1,2,3 na ang problema.
6. MESSENGER CONNECTING, MABAGAL NA FACEBOOK, MABAGAL SI ROBLOX, LAG SI ML.
isa sa mga dahilan niyan ay si number 3, low specs na ang CP
Pero isa rin sa dahilan niyan ay si META -FACEBOOK, MESSENGER TALAGA ANG PROBLEMA,
Napansin niyo minsan hindi gumagana ang messenger at facebook kasi naka down si FACEBOOK, Bakit naka down? Pwedeng sa kanila po talaga ang problema at hindi naman po talaga ang internet natin. Kaya huwag po agad isisi sa internet, meron rin po silang server na kumokonekta sa buong mundo, at kapag nagkaproblema po yun ay apektado ang buond mundo na gumagamit ng FACEBOOK at MESSENGER.