24/02/2026
⚠️ PAALALA – MALING MENSAHE NG DISCONNECTION ⚠️
Nais po naming ipaalam sa aming mga valued subscribers na kasalukuyang may technical issue sa Taoki SMS notification system.
May ilang subscribers ang nakatanggap ng disconnection notice kahit bayad na ang kanilang account. Mangyaring ipagpaumanhin na ang nasabing mensahe ay naipadala dahil sa system error at hindi nito tama na ipinapakita ang kasalukuyang status ng inyong account.
Kung kayo ay nakapagbayad na, maaari pong balewalain ang naturang disconnection message. Mananatiling aktibo ang inyong account at wala pong dapat na maging service interruption.
Ang aming technical team ay kasalukuyang inaayos ang nasabing problema upang maiwasan ang mga maling notification sa hinaharap.
Kami po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa anumang kalituhan at abalang naidulot nito. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta.
— Srazefiber