24/11/2017
Fel Monares
MGA NAGWAGI SA SERCH NG CHILD FRIENDLY SCHOOLS, NAKATANGGAP NG MAHIGIT 100 LIBONG PISO MULA SA CITY GOV’T.
Masbate City. Hindi lamang mga kabataan ang naging sentro ng selebrasyon sa paggunita ng World Children’s Month Celebration kung saan maging mga g**o at paaralan ay nakatanggap din ng mga gantimpala mula sa syudad ng Masbate noong Nobyembre 22, 2017 sa ginanap na Search for Child Friendly Schools sa buong syudad sa pangunguna ni City Mayor Rowena R. Tuason.
Maliban sa pamimigay ng mga gantimpala ni Mayor Tuason, ipinaabot din nito ang kanyang State of the Children Address 2017 sa mga dumalo na halos mapuno ang city coliseum.
Laman ng talumpatin ni Mayor Tuason ang pagbibigay ng prayoridad sa mga pampublikong paaralan sa buong syudad kabilang ang mga mag-aaral at lahat ng mga stakeholders sa iba’t ibang programa at proyekto dito.
Hinikayat din ni Mayor Tuason ang mga magulang na bantayan ng maigi ang kani-kanilang mga anak para hindi ito madala sa anumang bisyo partikular na tinukoy nito ang iligal na droga, ganundin ang paghikayat sa mga kabataan na mahalin at igalang ang kanilang mga magulang.
Kaugnay nito, nakatanggap ng cash prizes ang siyam (9) na mga paaralan na napili bilang Child Friendly School sa buong syudad ng Masbate.
Nasungkit ng Enrique Legaspi Sr. Elementary School ang 1st runner up na nakatanggap ng 30 libong piso, 2nd runner up – Bantigue Elementary School na tumanggap ng 20 libo, 3rd runner up-Governor Rafael Letada Memorial Elementary School na nakatanggap ng 15 libong piso, 4th runner up – Batuhan Elementary School na nakatanggap ng 10 libong piso.
Samantala ang nakasungkit 5th hanggang 9th runner up ay kapwa nakatanggap ng tig-5 libong piso ito ang Nursery Elementary School ikalima, Bayombon Elementary School ika-6, Sinalongan Elementary School ika-7, Masbate National Comprehensive High School ika-8 at ang ika-9 ay ang Asid Elementary School.
At ang hinirang na 2017 Most Child Friendly School-Jose Zurbito Sr. Elementary School at tumanggap ng 50 libong piso.
Dahil dito, ipinaabot ng mga g**o, magulang at kabataan ang pasasalamat sa kay City Mayor Rowena Tuason, City Vice Mayor Ruby ‘Bing’ Sanchez kasama na ang city council sa buong suporta nito sa sektor ng edukasyon kung saan ang nakuhang premyo ay gagamitin sa pagbili ng mga kagamitan sa loob ng kani-kanilang paaralan.