14/11/2020
"There is no exercise better for the heart than reaching down and lifting people up." - John Holmes
Kaisa po ng BPSU-College of Engineering and Architecture Student Leaders, nais po naming dumulog at kumatok sa inyong mabubuting puso upang makatulong sa ating mga kababayang naapektuhan ng pananalanta ng bagyong Ulysses sa iba't ibang parte ng ating bansa.
Sa pananalasa ng bagyong Ulysses, hindi lamang po mga bahay at ari-arian ang nasira at nagiba, ngunit pati na rin mga buhay at mga pangarap, na sa isang iglap ay naglaho at tinangay kasabay ng hagupit ng malakas na ulan at hangin. Dahil dito, nais po naming lumikom ng sapat na pondo upang makatulong sa ating mga kababayan sa muli nilang pagbangon at pagsisimula sa buhay.
Maliit man po o malaki, lahat ng ating donasyon ay lubos na pahahalagahan. Sabi nga po ng mga nakakatanda, walang kahit na anong kilos ng kabaitan ang nasasayang.
Sa lahat po ng nais na magpa-abot ng kanilang tulong, maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
Engr. Vergel Baloro (09171728340)
Engr. Junard Pascua (09461451198)
Sa mga cash donations, maaari po ninyo itong i-send sa mga sumusunod na accounts:
GCASH:
Vergel Baloro
09171728340
Metrobank:
Minette L. Pascua
955-3-761-17042-3
Landbank:
Junard L. Pascua
SA 2157 0263 67