LTO Assistance personnel

LTO Assistance personnel LAND TRANSPORTATION OFFICE

27/08/2026
26/08/2026

π‹πˆπ•π„: The Land Transportation Office (LTO) and Bureau of Customs (BOC) hold a press conference today, 24 August 2026.

21/08/2026

π‹πˆπ•π„: Press Conference led by the Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.

NOTICE TO THE PUBLICThe Land Transportation Office (LTO) informs the public that all agency offices will be closed on Au...
21/08/2026

NOTICE TO THE PUBLIC

The Land Transportation Office (LTO) informs the public that all agency offices will be closed on August 21, 2026 (Friday) in observance of Ninoy Aquino Day, a Special Non-Working Holiday throughout the Philippines, in accordance with Republic Act No. 9256.

The public is advised to postpone their transactions on that day and conduct them upon the resumption of regular agency operations.

For official announcements and other information, please follow the LTO's page.

Thank you for your understanding.

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Ipinababatid ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na sarado ang lahat ng tanggapan ng ahensya ngayong Agosto 21, 2026 (Biyernes) bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day, isang Special Non-Working Holiday sa buong Pilipinas, alinsunod sa Republic Act No. 9256.

Pinapayuhan ang publiko na ipagpaliban ang kanilang mga transaksyon sa nasabing araw at isagawa ang mga ito sa muling pagbabalik ng regular na operasyon ng ahensya.

Para sa mga opisyal na anunsyo at iba pang impormasyon, mangyaring sumubaybay sa page na ito ng LTO.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

π“πˆππ†ππ€π: 12 TIMBOG SA ANTI-FIXING OPERATION SA PASAY; DALAWANG OPISYAL NG LTO NA SANGKOT SIBAK SA PUWESTO AT SASAMPAHAN ...
17/08/2026

π“πˆππ†ππ€π: 12 TIMBOG SA ANTI-FIXING OPERATION SA PASAY; DALAWANG OPISYAL NG LTO NA SANGKOT SIBAK SA PUWESTO AT SASAMPAHAN NG KASO

Bilang bahagi ng 7-Point Reform Agenda ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao mula nang mamuno sa ahensya, patuloy na pinaigting ng LTO ang kampanya laban sa fixing matapos maaresto ang 12 indibidwal, kabilang ang dalawang opisyal ng LTO Pasay District Office, sa isang anti-fixing entrapment operation sa Pasay City noong Agosto 14, 2026.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng LTO Law Enforcement Service–Field Enforcement Division (LES-FED), Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine National Police (PNP), kabilang ang mga tauhan ng Pasay City Police Station at Sub-Station 8, sa ilalim ng pangangasiwa nina PBGEN Allan C. Nobleza (Ret.), Director ng LES; PBGEN Antonio P. Bartolome (Ret.); PBGEN Celso P. Bael (Ret.); at PCOL Ephraim A. Arcilla (Ret.).

Ang lahat ng nahuli ay sasailalim sa kaukulang imbestigasyon at proseso para sa pagsasampa ng mga kaso laban sa mga mapatunayang sangkot sa illegal fixing activities. Kabilang sa mga isinailalim sa imbestigasyon ang kawani ng LTO Pasay District Office, na agad na inatasang alisin sa puwesto ni Asec. Lacanilao habang isinasagawa ang kaukulang administratibong proseso.

Titiyakin ng LTO na ang sinumang mapatunayang sangkot sa fixing ay haharap sa kaukulang pananagutan at hindi makapagtutuloy sa ilegal na gawain sa loob ng ahensya.

β€œHindi kami magbubulag-bulagan sa ganitong gawain. Alam namin kung paano kumikilos ang mga fixer, kabilang ang mga empleyado ng LTO na maaaring nasasangkot dito, at patuloy naming palalawakin ang operasyon para matukoy ang mga taong nasa likod nito. Hindi titigil ang LTO hangga’t hindi natutukoy at nalilinis ang mga ganitong kalakaran sa ating mga tanggapan,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

Sa laban kontra fixing, patuloy na paiigtingin ng LTO ang mga operasyon nito, sa pakikipagtulungan sa iba pang law enforcement agencies, upang matukoy, mapanagot, at maparusahan alinsunod sa batas ang mga sangkot sa ilegal na transaksyon at mapanatili ang malinis, maayos, at tapat na serbisyo ng ahensya.

Hinihikayat naman ng LTO ang publiko na huwag makipagtransaksyon sa mga fixer at agad i-report ang anumang kahina-hinalang gawain o alok ng ilegal na serbisyo sa pamamagitan ng opisyal na page na Ireport Mo Kay LTO Chief o sa website na https://ireportmokayltochief.ph/ upang agad na maisagawa ang kaukulang beripikasyon, imbestigasyon, at aksyon ng ahensya.

17/08/2026

π‹πˆπ•π„: Bid Opening Conference for the Procurement of Sidearm Pistol 9MM for the Use of Law Enforcement Officers Nationwide.

π“πˆππ†ππ€π: 15 FIXERS, NADAKIP SA MATAGUMPAY NA ENTRAPMENT OPERATION NG LTO; KAMPANYA LABAN SA FIXING, PINAIIGTINGSa pagpap...
17/08/2026

π“πˆππ†ππ€π: 15 FIXERS, NADAKIP SA MATAGUMPAY NA ENTRAPMENT OPERATION NG LTO; KAMPANYA LABAN SA FIXING, PINAIIGTING

Sa pagpapatuloy ng pinaigting na kampanya ng Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng pamumuno ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, labinlimang (15) fixers ang arestado sa isinagawang entrapment operation ng ahensya.

Isinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng koordinasyon ng LTO na pinangunahan nina Ret. PBGen Allan C. Nobleza, Director ng Law Enforcement Service (LES), at Ret. PBGen Celso L. Bael, katuwang ang mga enforcer ng LES, Kamuning Police Station 10 sa pangunguna ni Station Commander Lt. Col. Aljun Belista, Quezon City District Police Office, at Philippine Coast Guard (PCG).

Kasabay nito, nagsagawa rin ng clearing operation ang Quezon City Department of Public Order and Safety at LTO sa paligid ng compound upang maalis ang mga walang permit na side vendors na maaaring mag-alok ng ilegal na serbisyo o magsilbing fixer sa mga kliyente ng ahensya.

Matapos makalap at maproseso ang kinakailangang impormasyon, ang mga nahuling fixer ay dadalhin sa Kamuning Police Station 10 para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng mga kaukulang kaso.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng LTO na sugpuin ang pamemeke, panlilinlang, at iba pang ilegal na gawain ng mga fixer, at matiyak na ang lahat ng transaksyon sa ahensya ay isinasagawa nang maayos, legal, at transparent.

Hindi bibigyan ng LTO ng puwang ang mga fixer at anumang ilegal na transaksyon. Tinitiyak ng ahensya na pananagutin ang sinumang mapatutunayang sangkot at patuloy na paiigtingin ang mga operasyon upang maprotektahan ang publiko at mapanatili ang malinis, mabilis, at tapat na serbisyo.

NOTICE TO THE PUBLICThe Land Transportation Office (LTO) informs the public that, due to the continuous heavy rainfall c...
06/08/2026

NOTICE TO THE PUBLIC

The Land Transportation Office (LTO) informs the public that, due to the continuous heavy rainfall caused by Tropical Storm Maymay and the Southwest Monsoon, operations at all government offices in the National Capital Region (NCR), including the LTO Central Office and its offices in NCR, as well as in the provinces of Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Abra, Zambales, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Apayao, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, and Occidental Mindoro, on August 6, 2026, in accordance with Memorandum Circular No. 122 issued by the Office of the President.

The public is advised to postpone their planned transactions and wait for the next notice regarding the resumption of regular operations.

Thank you for your understanding. The LTO will continue to monitor official announcements for further updates and to remain safe amidst the ongoing bad weather.

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Ipinapaalam ng Land Transportation Office (LTO) sa publiko na, bunsod ng patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Maymay at ng Southwest Monsoon, suspendido ang operasyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa National Capital Region (NCR), kabilang ang LTO Central Office at mga tanggapan nito sa NCR, gayundin sa mga lalawigan ng Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Abra, Zambales, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Apayao, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, at Occidental Mindoro, ngayong Agosto 6, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 122 na inilabas ng Office of the President.

Pinapayuhan ang publiko na ipagpaliban ang kanilang mga planong transaksyon at hintayin ang susunod na abiso hinggil sa pagpapatuloy ng regular na operasyon.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa. Patuloy na subaybayan ang opisyal na mga anunsyo ng LTO para sa iba pang mga update at manatiling ligtas sa gitna ng patuloy na masamang panahon.

πŒπ†π€ π‹π”πŒπ€ππ€π† 𝐍𝐀 π€π‚π‚π‘π„πƒπˆπ“π„πƒ πŒπŽπ“πŽπ‘π‚π˜π‚π‹π„ 𝐀𝐓 𝐂𝐀𝐑 𝐃𝐄𝐀𝐋𝐄𝐑𝐒, ππˆππ€ππ€π†πŽπ“ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; πŸ‘πŸ• ππˆππ€π†πŒπ”π‹π“π€, πŸ‘πŸ— π’πˆππ”π’ππˆππƒπ„, 𝟏𝟐 πŠπˆππ€ππ’π„π‹π€ 𝐀𝐍𝐆 π€πŠ...
06/08/2026

πŒπ†π€ π‹π”πŒπ€ππ€π† 𝐍𝐀 π€π‚π‚π‘π„πƒπˆπ“π„πƒ πŒπŽπ“πŽπ‘π‚π˜π‚π‹π„ 𝐀𝐓 𝐂𝐀𝐑 𝐃𝐄𝐀𝐋𝐄𝐑𝐒, ππˆππ€ππ€π†πŽπ“ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; πŸ‘πŸ• ππˆππ€π†πŒπ”π‹π“π€, πŸ‘πŸ— π’πˆππ”π’ππˆππƒπ„, 𝟏𝟐 πŠπˆππ€ππ’π„π‹π€ 𝐀𝐍𝐆 π€πŠπ‘π„πƒπˆπ“π€π’π˜πŽπ 𝐀𝐓 πˆπ’πˆππ€πˆπ‹π€π‹πˆπŒ 𝐒𝐀 ππ‹π€π‚πŠπ‹πˆπ’π“πˆππ†

Bilang pagpapatuloy ng pinaigting na kampanya ng Land Transportation Office (LTO) laban sa mga paglabag sa proseso ng initial registration ng mga bagong sasakyan, inanunsyo ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, sa ginanap na "Kwentuhan with the LTO Chief" ang pagsisimula ng pagpapatupad ng mga kaukulang parusa laban sa mga accredited motorcycle at car dealers na napatunayang hindi tumupad sa itinakdang proseso ng initial registration.

Ang hakbang ay kasunod ng mga isinagawang pagdinig sa mga Show Cause Order (SCO) na naunang inilabas ng LTO laban sa mga accredited motorcycle at car dealers na naharap sa mga reklamong may kaugnayan sa hindi pagsunod sa itinakdang panahon ng pagpo-proseso at paglalabas ng Official Receipt (OR), Certificate of Registration (CR), at plaka.

Batay sa mga inilabas na resolusyon, 37 dealers ang pinatawan ng multa, 39 naman ang pinatawan ng β‚±500,000 multa at anim (6) na buwang suspensyon sa kanilang accreditation, habang 12 ang kinansela ang accreditation at isinailalim sa isang taong blacklisting dahil sa napatunayang paglabag sa mga umiiral na batas at regulasyon ng LTO.

Ang mga pinatawan ng multa ay ang mga sumusunod:

1. Premiumbikes – Novaliches, Quezon City
2. Wheeltek – Bagong Silang, Mandaluyong
3. Premiumbikes – Caniogan, Pasig
4. Premiumbikes – Sta. Maria, Bulacan
5. Premiumbikes – Lemery, Batangas
6. Premiumbikes – Bayambang, Pangasinan
7. Premiumbikes – Bacoor, Cavite
8. Exponent Konka – Western Bicutan, Taguig
9. Premiumbikes – Cainta, Rizal
10. Premiumbikes – San Roque, Quezon City
11. Premiumbikes – Malanday, Valenzuela
12. Premiumbikes – CDO, Misamis Oriental
13. Premiumbikes – Baliuag, Bulacan
14. Premiumbikes – Montalban, Rizal
15. Premiumbikes – Bustos, Bulacan
16. Premiumbikes – North Fairview, Quezon City
17. V8 Racer – Tonsuya, Malabon
18. Guanzon Merchandising – Bayambang, Pangasinan
19. Premiumbikes – Rodriguez, Rizal
20. Premiumbikes – San Roque, Cubao
21. Premiumbikes – Malanday, Valenzuela
22. Eversure Maxim – Malalom, Leyte
23. Premiumbikes – San Isidro, Quezon City
24. Premiumbikes Corp. – Malinta, Valenzuela
25. Wheeltek – Angeles, Pampanga
26. Premiumbikes Corp. – Malibay, Pasay
27. Rubi Grand Showroom – Panabo, Davao del Norte
28. Premiumbikes Corp. – Commonwealth, Quezon City
29. Premiumbikes Corp. – Tala, Caloocan City
30. Premiumbikes Corp. – Baliuag, Bulacan
31. Premium Corp. – North Fairview, Quezon City
32. Premium Corp. – Rodriguez, Rizal
33. HQ Enterprises – Bagong Silang, Caloocan
34. Magnacycle Corp. – San Mateo, Rizal
35. Iconic Dealership – BGC, Taguig
36. Toyota (Cubao) – San Roque, Cubao
37. Shaw Automotive – Pleasant Hills, Mandaluyong

Ang mga pinatawan naman ng β‚±500,000 multa at anim (6) na buwang suspensyon sa kanilang accreditation ay ang mga sumusunod:

1. Iconic Dealership – BGC, Taguig
2. Rizal Autozone – B.F. Homes, ParaΓ±aque
3. Wheeltek – Ma-a, Davao City
4. Wheeltek – Mexico, Pampanga
5. Exponent Konka – Western Bicutan, Taguig
6. Wheeltek – Timog
7. Wheeltek – Tiaong, Quezon
8. Maverick – Taytay, Rizal
9. Wheeltek – Pulilan, Bulacan
10. LGM Motorcycles – Palatiw, Pasig
11. Motoxpress – Talon Uno, Las PiΓ±as
12. Power Racer – San Miguel, Bulacan
13. DES Marketing – Caldaza, Tarlac City
14. V8 Racer – Jose Abad Santos, Manila
15. V8 Racer – Gumaoc East, SJDM
16. Wheeltek – Sta. Maria, Bulacan
17. ACT Corp. – Bambang, Nueva Vizcaya
18. HQ Enterprises – Bagong Silang, Caloocan
19. Motortrade – Bangued, Abra
20. Keymotors Inc. – Sampaguita, Iloilo
21. Gateway Motors (Cebu) Inc. – Camputhaw, Cebu
22. Yamaha 3S – Pleasant Hills, Mandaluyong
23. Motoxpress – Talon Uno, Las PiΓ±as
24. Premiumbikes – Bagong Silang, Caloocan
25. Motoxpress – San Gabriel, GMA, Cavite
26. Motoxpress – San Fernando, Pampanga
27. Freiburg Auto – Anabu I-D, Imus, Cavite
28. Motoxpress – Pamplona Uno, Las PiΓ±as
29. Mazda – Sta. Rosa, Laguna
30. Auto Zoomzoom – Magallanes, Makati City
31. Motoxpress – B.F. Homes, ParaΓ±aque
32. Vismotor – Remigio, Cebu City
33. Happytrip Motors – Don Bosco, ParaΓ±aque
34. Motortrade – Pardo, Cebu City
35. Global Star Motors – Apas, Cebu City
36. Freiburg Auto – Calamba, Laguna
37. Rizal Autozone – Binangonan, Rizal
38. Rizal Autozone – San Agustin II
39. Motoxpress – Shaw Blvd., Mandaluyong

Samantala, ang mga kinansela ang accreditation at isinailalim sa isang taong blacklisting ay ang mga sumusunod:

1. Wheeltek – San Isidro, Makati
2. Wheeltek – Pulilan, Bulacan
3. Maverick – Taytay, Rizal
4. Wheeltek – Timog
5. Wheeltek – Mexico, Pampanga
6. Power Racer – San Miguel, Bulacan
7. Motoxpress – Talon Uno
8. Honda Motor Sports – Olympia, Makati
9. Motoxpress – Talon Uno
10. Rizal Autozone – Double Tree
11. Motoxpress – Berzon Building
12. Motoxpress – Pamplona Uno, Las PiΓ±as

"Hindi nagtatapos sa pag-iisyu ng SCO ang aksyon ng LTO sa pagpapanagot sa mga accredited dealer na hindi tumutupad sa kanilang mga obligasyon. Hindi namin hahayaan na ang kanilang kapabayaan ay patuloy na magdulot ng abala at paghihirap sa ating mga motorista. Ang mga dealer na patuloy na hindi susunod sa mga patakaran ng LTO ay haharap sa mas mabibigat na parusa, kabilang ang pagpapatigil ng kanilang operasyon," pahayag ni Asec. Lacanilao

Binigyang-diin ng LTO na magpapatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na regulasyon upang matiyak ang maagap na pagproseso ng initial registration ng mga bagong sasakyan at mapanagot ang mga accredited dealer na hindi tumutupad sa kanilang mga obligasyon. Hinihikayat din ng ahensya ang publiko na magsumite ng mga reklamo laban sa mga accredited dealer na lumalabag sa mga umiiral na regulasyon sa pamamagitan ng opisyal na page na Ireport mo kay LTO Chief o sa website na https://ireportmokayltochief.ph/ upang agad na maisagawa ang kaukulang aksyon at matiyak ang mabilis, maayos, at tapat na paghahatid ng serbisyo sa publiko.

Address

Nature Street
Marawi City
6769

Opening Hours

Monday 8am - 6pm
Tuesday 8am - 6pm
Wednesday 8am - 6pm
Thursday 8am - 6pm
Friday 8am - 6pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO Assistance personnel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to LTO Assistance personnel:

Shortcuts

Share