05/07/2026
GOOD LUCK, DAVRAA BOYS! 🏆
Pormal nang bumiyahe patungong De La Salle ang ilan sa mga miyembro ng DAVRAA boys upang simulan ang panibagong yugto ng kanilang basketball journey.
Sa isang social media post, ibinahagi ni Coach Jess ang larawan ng apat na manlalaro sa paliparan at sinabayan ito ng mensahe ng suporta at paalala habang tinutupad nila ang kanilang mga pangarap.
"Take care, my brothers. Love you, bros! Keep moving forward, keep grinding, and never stop chasing your dreams. Always pray, stay humble, and trust God's plan. Do everything with heart and purpose. Para kay Bobet! ❤️🙏"
Para sa marami, ang pag-alis ng mga manlalaro ay hindi lamang simula ng bagong kabanata sa kanilang buhay, kundi pagpapatuloy rin ng pangarap na minsang pinagsaluhan nila kasama si Rene "Bobet" Baterbonia.