18/06/2020
Dear Girls,
𝐃𝐄𝐀𝐓𝐇 𝐏𝐄𝐍𝐀𝐋𝐓𝐘 para sa mga ra**st, yan sana ang ipaglaban nyo.
Bakit? Para magkaroon ng takot ang gagawa ng ganong krimen.
Hindi yung nagagalit ka kasi pinayuhan kang manamit ng tama at maayos.
Ganyan ka ba sa magulang mo nung sinabihan kang umayos ng pananamit?
Nung sinabihan kaba ng magulang mong manamit ka ng maayos sinabihan mo din ba agad ng "manyakis ka lang, noto victim blaming"
Hindi ka naman sinisisi kapag sinabihan kang manamit ng Maayos e. Pinapayuhan ka lang, dahil prevention is better than cure.
At hindi lang pananamit ng maayos ang nagiisang paraan para ikaw mismo na pwedeng maging biktima ay makaiwas sa ganon.
Marami kang pwedeng gawin.
Pero teka. Bakit ka galit sa nagpayo sayong umayos ka ng pananamit? Bakit nahihiya ka? Kasi nakita mo sarili mong halos manghikayat ng lalaki sa panonoot palang? O baka dahil ibang administrasyon ang nagpaalala sayo?
Sa paaralan palang sa elementarya, pinagsosoot na tayo ng disenteng pananamit at sa kababaihan naman isang halimbawa ay ang lagpas tuhod na palda. Lalo na sa kapilya, ang tawag pa nga natin ay, banal na kasuotan.
Yung sinasabi nyong turuan ang kalalakihan na huwag mangrape, bakit, wala bang ganun? Dun palang sa mga nababalitaan natin na nakukulong dahil sa ganong krimen, hindi ba isang halimbawa yun ng pagtuturo na hindi magandang gawain yun? Alam na ng tao na mali ang sexual harassment.
At hindi kanaman pwedeng manghuli ng taong may maduming pagiisip lang, at hindi mo din naman malalaman kung madumi ba magisip yan.
Ang kulang talaga ngipin ng batas para sa mga offenders, Kaya ang isigaw nyo 𝐃𝐄𝐀𝐓𝐇 𝐏𝐄𝐍𝐀𝐋𝐓𝐘.