19/08/2026
BAKIT NGA BA HINDI DAPAT PALUGI ANG PRESYUHAN SA NEGOSYO? 🖨️
Ganito karami ang mga “rejects” na naitabi ko mula nang magbukas ulit ang aming shop nitong July.
Akala natin basta mayroon ka lang computer/laptop, printer, papel, ink, at kuryente, madali na ang lahat. Pero hindi araw-araw aayon sayo ang takbo ng negosyo at mga printers mo, may mga araw na magloloko at masasayang ang supplies, kuryente, ink, kita, pagod at oras mo. Isama mo pa ang napakamahal na printer maintenance at printer parts tuwing nasisiraan.
Hindi natin maiiwasan ang lahat ng "rejects" dahil nakaasa rin tayo sa mga makina. Kaya mahalagang tama ang pagpepresyo, hindi para manlamang, kundi para mabawi ang 'hidden costs' at mapanatili ang quality ng serbisyo.
Hindi man kami ang may pinakamurang offer, sisiguraduhin naming maayos, quality, inaalagaan, at pinapahalagahan ang aming bawat gawa.
Sa likod ng bawat printed page, may oras, puhunan, effort, at isang maliit na negosyong patuloy na lumalaban. ✨
AJ's Digital Prints