09/10/2024
Isang batang katutubong mangyan sa katauhan ni DISYLYN ENANO anak ni Ginoo at Ginang SALVADOR "ONTOK" at ROSIE ENANO na nakatira sa Sitio., Tagumpay Mapaya, San Jose, Occidental Mindoro ang nagbigay ng karangalan sa lalawigan ng Occidental Mindoro. Dahil siya ang napili na umawit ng pambansang Awit ng Pilipinas na ginanap sa Luneta Grandstand noong ika 12 ng hunyo 2024 araw ng kalayaan kasama ni kagalang galang Pangulo ng Pilipinas FERDINAND R. MARCOS Jr. Dahil dito ay agad nagpanukala si BOKAL ULY PASION JAVIER na bigyan ng parangal ng sangguniang panlalawigan ang nasabing katutubo bilang pagkilala sa kanyang talino sa pag-awit na sinang-ayunan ng lahat ng miyembro ng sangguniang panlalawigan sa pangunguna ni pangalawang punong lalawigan DIANA APIGO TAYAG.