05/10/2026
Nanawagan si Rep. Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. ng imbestigasyon kaugnay ng umano’y pananakit sa aso sa loob ng SPCF sa Angeles City. Hiniling niya sa city government, ACPO, at pamunuan ng paaralan na alamin ang buong pangyayari.
🚨 CONG. POGI LAZATIN, NANAWAGAN NG IMBESTIGASYON SA UMANO’Y PANANAKIT SA ASO SA SYSTEMS PLUS COLLEGE FOUNDATION SA ANGELES CITY
Nanawagan si Rep. Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. sa pamahalaang lungsod ng Angeles, Angeles City Police Office (ACPO), at pamunuan ng Systems Plus College Foundation (SPCF) na imbestigahan ang umano’y pananakit sa aso sa loob ng paaralan.
Sa pahayag na inilabas ngayong Oktubre 5, sinabi ni Lazatin na nakatanggap ang kaniyang tanggapan ng mga ulat tungkol sa social media post na umano’y nagpapakita sa isang college dean na nananakit ng aso sa loob ng campus. Binanggit din niya ang mga sumunod na post na nagsasabing inilagay ang asong duguan sa isang walang-lamang water drum.
Hiniling ni Lazatin sa mga kinauukulan na siyasatin ang insidente at panagutin ang sinumang mapatunayang responsable.
Source: Carmelo “Pogi” Lazatin Jr.’s statement