18/08/2026
PHILDEV STORIES
Mga Kwento sa Likod ng Teknolohiya.
#003 — “Ma’am, Nasaan na Po Yung Laundry Ko?”
🧺 Isang ordinaryong araw sa isang laundry shop.
May mga bagong dating na labada.
May mga kasalukuyang nilalabhan.
May mga plantsahin.
May mga ready for pickup.
At may mga customer na paulit-ulit na nagtatanong:
“Ready na po ba yung laundry ko?”
Sa umpisa, madaling tandaan.
Pero habang dumarami ang customers, dumarami rin ang mga supot, resibo, pangalan, petsa, bayad, at orders na kailangang bantayan.
Hanggang sa isang araw...
“Sandali po, iche-check ko lang.”
Hindi naman nawawala ang laundry.
Minsan, nawawala lang sa records.
At doon nagiging mahalaga ang isang simpleng bagay:
malinaw na tracking.
Sino ang customer?
Ano ang order?
Kailan ito natanggap?
Ano na ang status?
Bayad na ba?
Ready for pickup na ba?
Dahil habang lumalaki ang negosyo, hindi na sapat ang “matatandaan ko pa naman.”
Kailangan ding may sistemang makakatanda para sa'yo.
Hindi para palitan ang tao.
Kundi para gawing mas madali ang trabaho ng tao.
💡 Dahil sa likod ng bawat system, may totoong problema na kailangang solusyunan.
— PHILDEV STORIES
Building Digital Solutions.