18/06/2026
๐๐ ๐ฆ๐ข๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐๐ - ๐๐๐๐๐๐๐, ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฆ๐๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ ๐ข๐ญ๐๐ฅ ๐๐ข๐ญ๐๐ซ๐๐๐ฒ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐
๐๐๐๐๐๐๐: Muling sumailalim ang dalawampuโt dalawang miyembro ng Men Opposed to Violence Everywhere โ KAlalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa PAmilya (MOVE โ KATROPA), sa Digital Literacy Training on Digital Creativity with Canva ng City of Imus Public Library (CIPL) sa kanilang Computer Room nitong Martes, Hunyo 16, 2026.
Pinangunahan muli nina Maria Arianna Camille Dela Cruz at Ralph Allen L. Peรฑamante ang pagsasanay na nakatuon sa paggawa at pag-customize ng tables, sheets, at forms gamit ang Canva.
Ipinaliwanag din nila kung paano namo-modify ang layouts, fonts, colors, at interactive elements upang mapahusay ang readability at functionality ng mga materyales.
Ayon sa CIPL na pinangungunahan ni City Librarian Rosena Roman, layunin ng aktibidad na mapalakas ang kakayahan ng mga kalahok sa digital creativity, matutunan ang tamang paggamit ng Canva para sa mas malinaw at functional na outputs, at masuportahan ang modernong pangangailangan ng edukasyon at organisasyon.