15/10/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐-๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
Sinuspinde ng Land Transportation Office 6 sa loob ng 90 araw ang lisensya ng 29-anyos na optometrist na sangkot sa insidente ng hit-and-run sa Barangay Baldoza, La Paz, Iloilo City noong Oktubre 11.
Ayon kay LTO-6 Director Atty. Gaudioso P. Geduspan II, preventive suspension ang ipinataw sa driver habang isinasagawa ng ahensya ang administratibong imbestigasyon sa insidente.
Inatasan din ang optometrist na magsumite ng paliwanag kung bakit hindi siya dapat patawan ng administratibo o legal na aksyon.
Sinusuri rin ng LTO-6 kung may nilabag ang driver sa Section 48 ng Republic Act No. 4136, na tumutukoy sa reckless driving, at Section 55, na nagtatakda ng mga obligasyon ng isang driver matapos masangkot sa isang aksidente.
Ayon sa LTO-6, kung hindi makapagsumite ng paliwanag ang driver sa itinakdang deadline, ibabatay ng ahensya ang magiging desisyon sa mga ebidensyang nakalap at kasalukuyang nasa kanilang rekord.
Courtesy | DYRI RMN Iloilo
๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ถ๐บ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐ถ-๐ณ๐ผ๐น๐น๐ผ๐ ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐บ๐ถ๐ป๐ด ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐ฐ๐ฒ๐ฏ๐ผ๐ผ๐ธ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฒ https://www.facebook.com/cablestarinc2.0