13/04/2026
๐ ๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ก๐๐ง๐๐๐ก๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐ ๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ๐ก๐๐ก๐๐ ๐ง๐๐ฅ๐ข๐จ๐๐ ๐๐๐๐ง ๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก
๐ธ In Photo: April 07, 2026
Sa patuloy na pagsusulong ng digital transformation sa Pamahalaang Bayan ng GMA, matagumpay na naisagawa ang DICT Orientation para sa mga empleyado ng Munisipalidad ng Gen. Mariano Alvarez, Cavite sa pakikipagtulungan ng DICT Region IVA - Calabarzon Team.
Lubos ang aming pasasalamat sa suporta at gabay ni Mayor Ed Custodio, na patuloy na nagsusulong ng mga inisyatibong magpapalakas sa digital capabilities ng ating mga kawani at serbisyo publiko.
๐จโ๐ป Mga Tinalakay sa Orientation:
๐น EGOV PH
Tinalakay ni Mr. Bryan Basco, Project Development Officer I, ang kahalagahan ng EGOV PH bilang pangunahing plataporma sa paghahatid ng integrated government services.
๐น ELGU System
Ibinahagi ni Ms. Racquel Sarah Rah Castro, Information System Analyst, ang mga mahahalagang kaalaman ukol sa ELGU System at ang papel nito sa pagpapahusay ng digital processes sa LGU.
๐น Information Awareness
Nagbigay naman ng diskusyon si Mr. Alfonso Fredericko Gonda, Information Officer I, hinggil sa tamang pagpapalaganap ng impormasyon at digital communication.
๐น DICT Trainings & Capacity Building
Ipinaliwanag ni Mr. John Philip Tan, ILCDB Provincial Focal โ Cavite, ang mga training programs ng DICT na naglalayong palakasin ang kakayahan ng LGU employees sa larangan ng ICT.
Ang aktibidad na ito ay patunay ng matibay na ugnayan ng LGU GMA at DICT, na naglalayong mapabuti ang serbisyo publiko sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at mas episyenteng sistema.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy nating pinapalakas ang kakayahan ng ating mga kawani tungo sa mas mabilis, mas maayos, at mas epektibong digital na serbisyo para sa bawat GMAnians.