23/09/2026
“Bakit may bayad ang pag-edit? Eh i-edit lang naman ‘yan sa computer.” 😅
Madalas natin marinig ‘yan, pero may mga bagay na hindi agad nakikita sa likod ng isang edited document.
Una, kailangan ng gamit. 🖥️
Hindi naman libre ang computer, laptop, printer, internet, kuryente at iba pang equipment na ginagamit para matapos nang maayos ang trabaho.
Pangalawa, kailangan ng SKILL. 🧠
Hindi porket marunong kang mag-type, marunong ka na agad mag-edit ng documents. May formatting, layout, spacing, tables, images, PDF conversion, revisions at kung anu-ano pa.
Pangatlo, may mga PRO applications at websites na ginagamit para mas mabilis at mas maayos ang trabaho. 💻
May mga tools na may subscription at may monthly/yearly fees. Hindi rin lahat ng features na kailangan sa editing ay libre.
At higit sa lahat, may investment sa equipment.
Halimbawa:
May 1 kilo kang asukal at gusto mong ilagay lahat sa isang tasa ng kape. ☕😂
Kahit gaano karami ang asukal mo, hindi naman ibig sabihin na dahil marami kang asukal, kasya na lahat sa isang maliit na tasa.
Ganun din sa computer.
Hindi porket computer ay kaya na niyang gawin lahat.
Kapag mabibigat ang software na ginagamit, maraming files ang kailangang buksan, high-resolution ang images, o complicated ang document editing, kailangan talaga ng mas capable na specs para hindi lag, hindi mag-crash at hindi sayang ang oras.
Kaya may mga nag-iinvest sa mas magandang RAM, processor, storage at graphics para mas smooth ang workflow at mas mabilis maibigay ang output. ⚙️
Kaya kapag nagpa-edit kayo at may talent fee o editing fee, hindi lang naman “pag-click sa computer” ang binabayaran ninyo.
Binabayaran ninyo ang:
✅ Oras
✅ Skills
✅ Experience
✅ Equipment
✅ Software/Tools
✅ Electricity & Internet
✅ Effort at revisions
✅ At higit sa lahat, yung output na kailangan ninyo.
Hindi naman ibig sabihin na mahal dapat lahat ng editing service.
Pero sana, matutunan din nating pahalagahan ang skill at effort ng taong gumagawa.