17/05/2023
Posted on Homebuddies:
Highlight ng post: “Ang hirap po pala kapag di bahay ang priority nung less pa ang gastusin. Nanghihinayang ako now sa upa plus di ko magawa yung gusto kong ayos mismo ng bahay”
Reality (not in general - Long post):
-Sa panahon at trend ngayon, minsan mas unang nakikita ng ibang couples ngayon ay yung tinatawag na “trend” o uso. They will see their friends na magta-travel out of town or abroad. Nagfleflex ng bagong lugar na napuntahan, bagong Cellphone o bagong Kotse. They are using the “justification” na “YOLO” daw, ienjoy ang buhay, kasi maikli lang ang buhay, ang iba sasabihin na reward daw nila ito sa sarili nila, dahil pinaghirapan daw nila ito.
Yes merong point and It’s not wrong for couples na magtravel, bumibili ng iphone 14 pro max fully paid, kotse o motor. And even reward yourself from time to time, okay lang yan. Magiging mali nalang ito kung yung ipon niyo as individual o couple ay ibubuhos ng minsanan (one time) sa mga bagay na yan or sa ibang luho. Napakamaling habit ang ganyan. Tandaan na hindi pagiging KJ o kuripot man kung hindi ka nagta-travel o bumili ng luho sa ngayon, dahil naniniwala ka sa "delayed gratification".
Iba ang feeling na meron ka nang sariling BAHAY in the future, lalo kung kasal na kayo. Yung freedom na magagawa mo lahat sa sarili mong bahay, yan hindi matutumbasan ng kahit na ilang iphone 14 pro max o 7 days travel.
And the most satisfying part is galling lahat sa hirap at pagtitipid niyo. Your Home will be the embodiment of all the hardships, perseverance, hardwork at ng mahabang panahon na pagtitipid niyo sa buhay.
Kaya for all couples out there, always know your priorities. Kasi ang priority ng mag-asawa ay Pamilya, Pamilya, Pamilya... Kasi as couples diyan lang din naman mahahantong sa pagPapamilya, gaya nga ng sabi sa post “Ang hirap po pala kapag di bahay ang priority nung less pa ang gastusin”. Mababa man ang sahod o Malaki, kung gusto mo magipon, makakaipon ka naman, kahit pakunti kunti.