01/09/2026
Minsan, nakakapagod. Minsan, gusto mo na lang sumuko. 🥹💗
Lalo na sa mga nakita kong negosyong binaha, nasira ang gamit at paninda, naubos ang stocks, at kailangang magsimulang muli. 😢🙏
At para naman sa mga kakabukas pa lang ng negosyo, alam ko hindi madali ang simula. Walang kasiguraduhan kung kailan darating ang orders, minsan tahimik ang inbox, at minsan mapapaisip ka talaga kung “Kakayanin ko pa ba?” 🥺
Let us pause. Breathe. Pray. Trust God. Proven and Tested na yan☝️🙏
Sabi sa Proverbs 16:3:
“Commit to the LORD whatever you do, and He will establish your plans.”
Sa ating mga crafters, printing business owners, handmade sellers, at small business owners, huwag nating kalimutan na hindi lang puhunan at sipag ang kailangan natin. Kailangan din natin ng faith.
Kung ikaw ay bumabangon mula sa baha, nagsisimula ulit, o kakasimula pa lang, kapit lang.
Hindi man natin nakikita ang buong picture ngayon, God sees the bigger plan.
I-commit natin sa Kanya ang bawat order, bawat creation, bawat pagsubok, at bawat pangarap.
Create with faith. Work with purpose. Trust His timing.
Hindi pa tapos ang story mo. God is still working. 🙏