07/10/2022
REAL TALK TAYO..
Eto ha, minsan ko lang sasabihin sa inio, sana naman paganahin nio mga memorya nio para itatak nio to sa kukote nio.
1. ANG PALUWAGAN AY HINDI PAUTANGAN. kung kilala mo ang handler, pwede ka makakuha ng early slot pero pag bago ka, ESHE KE. parang ganito lang yan, maglalabas ka ng piso, gusto mo "ipagkatiwala" sayo ang limampiso? Natural, kelangan mo munang maipon ang tiwala ng tao sayo.
2. MATUTONG SUMUNOD SA SCHEDULE. ang paluwagan, may schedule yan ng hulog at sahod. So dapat maisip mo na may taong umaasa sa ihuhulog mo bilang parte ka nga ng paluwagan na sinalihan nila (kung makunat ka, malas nila at natapat sila sa gaya mo).
3. ADMIN FEE. ang admin fee ay "pwedeng pang abono" pero hindi pwedeng LAGING PANG ABONO. Ang admin fee ay sahod ng admin bilang paghahanap ng bubuo sa batch, sa paniningil, sa pag take ng risk sa mga members na kinuha nia para mabuo ang paluwagan.. so hindi ibig sabihin na all the time e gagamitin ang ADMIN FEE pang abono dahil bilang sahod, karapatan ng admin gamitin ang ADMIN FEE na yun.
4. Bilang handler naman, hindi porke may admin fee e agad agad e gagastusin na ang admin fee kasi nga sahod nio yun. Mag iwan naman sana ng back up funds para in any case na di makapag bayad on time e may mahuhugot para mapasahod sa oras at nang buo ang sasahod lalo kung good payer ito. Tandaan, bilang admin, tungkulin nating suriin ang bawat sasali sa batch natin. Kumbaga, kung nakalusot ang member sayo, ibig sabihin, YOU ARE TAKING FULL RESPONSIBILITY OF EACH MEMBER, WHATEVER IT TAKES, MAKAKASAHOD ON TIME AT NANG BUO ANG MEMBER. D naman kasalanan ng member na may nakalusot sayo, kc kaya sila sumali sayo kc pinagkakatiwalaan ka nila.
5. CUT OFF TIME. Sana lahat matutong sumunod sa cut off. Ang kakapal lang ng muka ng mga taong late naman maghulog pero kung makademand ng sahod e kala mo walang mga sinisingil at mga never nalate sa pagbabayad. The nerve! Lalo dun sa mga nakasahod nang hassle free. Ang titibay ng muka nio magsipag kunat sa pagbabayad kc nga naman e nakasahod na kayo.
6. THIS IS A TWO-WAY RELATIONSHIP. Hindi magiging smooth ang transaction kung ang lahat ng effort e nasa handler lang and vice versa. LAHAT E DAPAT MAG GIVE AND TAKE. kung gusto mo sumahod nang maaga at buo, magbayad ka sa tamang oras, and everything will follow.
THANK YOU AND GOD BLESS EVERYONE. 🙂
Ps. Sariling kuda ko yan ha. Gawa ka din ng kuda mo id ka agree sa sinabi ko.. eheheh.