08/04/2022
WOW MALI! KAPAG MAY NAGAWA AKONG MALI SA INTERNSHIP. ANO ANG AKSYON DITO NG PHDADS ADMIN-MENTOR?
May ilan sa mga internship ng PHDads ang magaling na sa makabagong teknolohiya o may alam na sa mga ginagawa o pinapagawa ng mga mentor ng PHDads.Napag-aralan na nila o sadyang alam nila humawak o gumamit ng mga ito.Paano naman ng mga intern na walang alam pa sa paghawak ng computer o paggamit nito, sa mga bagay na madali naman sana pero dahil baguhan hindi alam paano gawin o gamitin ito.
Dito pumapasok minsan ang pagkakamali sa ginawa o pinagawa ng mga mentor tulad ng nangyari sa akin.”Naku mali ang nagawa ko” yun na lang ang nasabi ko nung minsan akong nagkamali ng gawa.Yung pagkakamali na di ko pa alam na mali pala yun,akala ko tama na yung ginawa ko kasi sinunod ko naman ang alituntunin ng tama at maayos.Sa proseso ng ginawa ko lang nagkaroon ng pagkakamali pero malaki ang naging epekto nito sa akin sa ginagawa kong trabaho.Kung sa totoong kliyente siguro ay tanggal na ako o wala na akong kliyente.
Mabilis ang aksyon ng mga mentor agad akong kinausap sa pagkakamali ko,kung anu ang epekto nito sa trabaho na ginagawa ko.Kung anong nangyari at bakit nagkamali ako.May mentor na makikipag-usap sayo ng masinsinan at ipinaliwanag ng mabuti kung anu ang kahihinatnan ng pagkakamali mo. Isa iyong leksyon sa akin na matuto magtanong kung di alam paano gawin.Kahit gaano pa ito kaliit na bagay basta di ka sigurado sa iyong gagawin ay matutong magtanong. Baka sa maliit na bagay na iyon ay malaki ang maging pagkakamali na iyong magagawa.
Sana kapulutan niyo ito ng aral sa mga baguhan sa freelancing at walang alam pa sa mga makabagong teknolohiya,Huwag mahiyang magtanong.Hindi bawal ang magtanong.Mas mainam pa ang matanong kesa sa taong nag dudunung-dunungan pero palpak ang gawa.Mag iingat sa mga bagay na maliit kung ating titingnan pero malaking pagkakamali pag atin itong nagawa.Ma swerte lang ako at mababait at agaran ang aksyon ng mga mentor.
We learn from every mistake. Iba-iba nga lang ang epekto sa sarili at sa ibang tao. Pagdating sa freelancing, may pwede ka rin bang i-share na isang ‘nadapa -pero-bumangon’ story? P**i comment naman, Paps , and Mars.