03/12/2025
PROTIPS - Dec 2, 2025
Take Action
By Maloi Malibiran-Salumbides
Naranasan mo na bang magpabago-bago ng iyong pasya dahil sa sobrang ka-iisip? Yung unang pasya mo pala ang tama pero pinalitan mo pa dahil nagduda ka sa iyong unang naisip. Totoong mahalaga na pag-isipan natin ang ating mga pasyahin sa buhay, trabaho at negosyo natin. But sometimes, overthinking hinders us from taking action. May panahon para mag-isip. May panahon para magpasya. At dapat ay panahon para umaksyon na.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
May nakapagsabing, "The distance between your dreams and reality is called action." Hindi magkakaroon ng katuparan ang mga plano at pangarap mo kung hindi mo naman aaksyonan ang mga ito. Narito ang ilang hakbang kung paano mo lalapatan ng gawa ang iyong mga plano.
1) Step in faith. Tanggapin man natin o hindi, salahat ng ating ginagawa ay mayroon itong kasamang pananampalataya. You exercise trust and faith, sa tuwing ikaw ay sasakay gamit ang Grab. Di mo kilala ang nagmamaneho pero nagtitiwala kang dadalhin ka niya sa destinasyong gusto mong puntahan. You exercise faith whenever you eat out in a restaurant. Hindi mo nakikita ang kusina ng restaurant, pero nagtitiwala ka na malinis at masarap ang pagkaing ise-serve sa iyo. Pananampalataya at tiwala sa Diyos ang kailangan sa tuwing gagawa ka ng hakbang para marating ang mga pangarap at matupad ang mga plano mo. Maraming bagay ang hindi mo kontrolado. Kaya kailangang matuto kang ipagkatiwala ito sa Diyos.
2) Exercise positive risk-taking. Ang paglago ay palaging may kasamang calculated risks. Gusto mong lumaki ang negosyo mo? Hindi naman ito mangyayari kung di ka magdaragdag ng iyong investment o pangapital para sa expansion na nais mo. Kasama ng paglago ay lakas ng loob na makipagsapalaran. Kasama ng paglago ang paghakbang sa labas ng iyong mga nakasanayan na. Part of positive risk-taking is learning to leave your comfort zone to expand your borders and horizon.
3) Turn every action into a learning opportunity. Sakaling hindi naging matagumpay ang aksyon na iyong ginawa. Hindi pa rin ito maituturing na kawalan o kalugihan. Make every action an opportunity to learn. Kung tama ang iyong naging hakbang, pwede mo itong ulitin hanggang sa maging bahagi na ito ng standards and procedure ng inyong kumpanya. Kung mali naman ang iyong aksyon, sa susunod ay alam mo na kung ano ang dapat na iwasan. In any case, there is a benefit in taking action.
Ang sabi si Pablo Picasso, "Action is the foundational key to all success." Ang hangad mo ba ay tagumpay sa iyong trabaho? Humakbang ka na at gumawa ng aksyon ngayon.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!