Stl Batangas Bwenas

Stl Batangas Bwenas STL BATANGAS

05/12/2025

Online Horoscope Disyembre 6

ARIES (Marso 21 – April 19) Alisin mo ang iyong pagaalala na may kaugnayan sa iyong kinabukasan, dahil dapat na ang mag-alala para sa iyo ay ang kapalaran. Sapagkat bago ka pa isinilang inilista na ang pangalan mo sa aklat ng mga masusuwerte at mapapalad, kaya may nakaayos ng pangyayari sa iyong kinabuakasan – ito ay ang ikaw ay yayaman. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 7, 19, 25, 26, 35, 43.







TA**US – (April 20 – Mayo 20) Makipagkuwentuhan ka ngayon sa ilang malalapit sa ‘yo dahil mula sa kanila ay may makukuha kang pormula ng iyong tagumpay. Sundin mo ang mga ito ng letra-por-letra at makikita mo, ang suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa ng magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.





GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Pansamantala lang naman ang problema mo. May mga pagkakataon talagang naaantala ang iyong suwerte, pero bukas-makalawa, magugulat ka pa, muli na namang papabor sa ‘yo ang magagandang kapalarang hindi mo inaasahan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 3, 12, 24, 33, 37, 43.











CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Maganda ang pangako mo para sa iyong kinabukasan kaya lang ang hindi maganda sa ‘yo ay ang kapus na kapus ka sa pagkilos. Kumilos ka ng kumilos at sipagan mo pa, upang sa ganon paboran ka ng nasa itaas at kapag pumabor sa iyo ang nasa itaas, siya mismo ang magbibigay sa ‘yo ng dagdag na suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.







LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ibasura mo ang mga taong naging sanhi ng iyong kalungkutan, lalo na silang mga plastic na kaibigan at pagkatapos maghanap ka ng mga bagong kaibigan. Gawin mo ito nang sa gayon ay magkaroon ka ng mga bago at mas magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 15, 19, 24, 37, 45.









VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Ibig sabihin anumang bagay o pangarap ang nais mong makamit, tiyak na ito ay iyong mahahawakan. Iunat mo na ngayon ang iyong mga kamay at ihakbang ang iyong mga paa. Wag kang matakot, abot na abot mo na ang tagumpay at malaking suwerte na noon pa inihanda sa iyo ng langit. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 32, 36, at 43.







LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Kakaibang lakas at kasiglahan na nakamamangha ang ipagkakaloob sa iyo ng langit sa araw na ito. Kaya anuman ang mga binabalak mong gawin ay tiyak na matatapos mo. Mananaig ka rin ngayon sa lahat ng kokontra at kakalaban sa ‘yo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.







SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Suriin mo ang iyong sarili. Baka sumosobra na ang iyong tiwala, at naiirita na sa iyo ang iyong mga kasama. Ito ang araw na kailangang magkuwanri kang mahina, upang hindi ka nila kainggitan at pagtangkaing ibagsak. Sa bagay, kahit mainggit pa sila ng mainggit sa ‘yo at tanggkain ka nilanhg ibagsak, mangapapahiya sila dahil patuloy kang aangat at tataas ng taaas ng napakataas hanggang sa hindi ka na nila maabot. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.









SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Pag-asenso, ito ang kahulugan ng araw na ito para sa’yo. Magniningas ang hangarin mong umasenso nang umasenso hanggang sa maabot mo ang iyong mga ambisyon. At sa bandang huli hindi lang ang ambisyon mo ang iyong maabot gagantimpalaan ka rin ng langit ng malaking pagyaman. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 37, 45.





CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Limitahin mo pang lalo ang iyong mga pangarap, kung baga, unahin mo ang para sa ‘yo at wag nang isipin ang para sa iba nang sa gayon ay mapabilis ang iyong pag-unlad at ang tiyak na pagyaman. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 17, 27, 34, 42.



AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Wag mong panghinayangan ang mga nawala sa ‘yo. Sila dapat ang manghinayang dahil sa wala ka sa buhay nila. Magtatangka silang bumalik “pero ‘wag na!” Yan ang sabihin mo sa iyong sarili. Sa pagbabagong buhay na wala sila, mas madali mong maaakit ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 31, 32, 44.





PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Magpatangay ka lang sa saya at sigla ng mga taong sa iyong paligid, dahil habang nagpapatangay ka, ang kanilang suwerte at magandang kapalaran ay malilipat sa iyo. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 34, 43, 45.

04/12/2025

Online Horoscope Disyembre 5

ARIES (Marso 21 – April 19) Malalaglag sa iyong harapan ang mga bituin sa langit, na ang ibig sabihin ay sila na mga mayayabang at dating nanlait sa iyo at mga nagmamataas ay unti-unti ng magsisibagsak at mga mapapahiya, habang ikaw naman ay patuloy na aasenso at aangat ng aangat ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 17, 27, 34, 42.







TA**US – (April 20 – Mayo 20) Sino ang pinaghaharian ng pagaalinlangan pero nakatatanggap ng mga biyaya mula sa langit? Ikaw! Kaya naman dapat kang laging magpasalamat sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong kapwa at sa mga nangangailangan, upang mas marami pang biyaya at mga pagpapala ang dumating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.





GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Iyo ang araw na ito. Kung may kahilingan ka sa langit, ngayon mo na sabihin kung may gusto kang mangyari, ngayon din ang tamang pagkakataon upang ito ay magkaroon ng katuparan. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 15, 19, 24, 37, 45.











CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Buwan na ng Disyembre ngayon, ibig sabihin malapit na ang pasko, kaya wag kang magmukmok. Binuksan na ng langit ang kanyang bintana para sa iyo, lumabas ka lang ng bahay ngayon at isa-isa ng mahuhulog mula sa itaas, ang kinakailangan mong suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green at red. Masuwerteng numero 7, 10, 28, 34, 38, at 45.





LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Habambuhay na tatanglawan ka ng Haring Araw. Ibig sabihin, kahit kailan ay hindi magdidilim ang iyong kapalaran. Isa kang sobrang masuwerteng nilalang. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 37, 45.









VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Gampanan mong mabuti ang iyong papel ngayon sa mundo na mgapasaya ng isang taong nagiisa sa buhay dahil siya ay iniwan ng kanyang mahal. Kapag nagawa mo yan, ang langit mismo ang magbibigay sa iyo ng napakalaking gantimpala. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.









LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Pagaani! Ito ang isa pang pangalan ng araw na ito para sa ‘yo. Aanihin mo ngayon ang bunga ng mga ipinakita kabutihan, galing at husay. Maraming mga suwerte at pagpapala ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 34, 43, 45.









SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag kang magbago ng layunin at ng inaasam-asam mo sa buhay. Nakikita ng nasa itaas ang mga ginagawa mong pagsisikap, kaya naman nagpasya ang langit na isa-isa ng ipagkaloob sa iyo ngayon ang iyong mga minimithi at inaasam-asam sa buhay. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 7, 19, 25, 26, 35, 43.









SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Babagal ang iyong buhay ngayon pero walang kasingsaya at sarap para sa iyo ang mga kaganapan. Malilibang ka at iyong makalilimutan ang tungkol sa pagpapalago ng kabuhayan. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.





CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sobrang tamis ang bunga ng inani ng hinog sa puno. Wag kang magmadali ng sa gayon ay hindi pumangit ang bunga ng iyong mga pagsisikap at pagpapagod. Basta’t kumilos ka lang ng suwabeng-suwabe araw-araw, hindi nagmamadali pero patuloy na nagsisikap, darating ang panahong gagantimpalaan ka rin ng langit – matutupad ang lahat ng gusto at pangarap mo sa buhay. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.



AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Habang ang iba ay nagsasaya, ikaw naman ay makabubuo ng pangarap. At ang maganda nito, ang pangarap na bubuuin mo ngayon ay papayagan ng langit na magkaroon ng katuparan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 31, 32, 44.





PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Idinadaan ka sa mga pagsubok para maging matatag ka dahil ang malalaki at mabibigat na magagandang kapalaran ay para lamang sa matatag at matitibay na kagaya mo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 3, 12, 24, 33, 37, 43.

04/12/2025

Online Horoscope Disyembre 4

ARIES (Marso 21 – April 19) Umaangat ang nasa ibaba, kaya aangat ka rin sa ngayon dahil nasa ibaba ka pa at papataas pa lamang. Higit kailanman, ang kailangan mo ay ang magpakumbaba, dahil nakatakda na ang magaganap, sobrang itataas ka ng langit, hindi lamang sa posisyon kundi pati na rin sa pagyaman at sa materyal na bagay. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 7, 19, 25, 26, 35, 43.







TA**US – (April 20 – Mayo 20) Ito ang araw kung kailan ay makakaranas ka ng biglaang pagdapo ng buenas. Ibahagi mo sa iba at magtira ka lang ng konti para sa ‘yo dahil marami pang mga suwerteng nakaalaan sa iyo ang paparating pa. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 15, 19, 24, 37, 45.





GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Ito ang araw na dapat mong kilalaning mabuti ang mga kaibigan mo upang hindi ka maargabyado. Hindi lahat ng kaibigan ay mapagkakatiwalaan. Kung sino ang makauuanawa sa ‘yo, siya ang pagkatiwalaan mo. At ang mga nakikinabang lang sa ‘yo ay iwasan mo dahil hindi sila ang tunay na kaibigan mo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.











CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw na magkahalong saya at lungkot ang sasa iyo pero sandali lang ang lungkot dahil ang mananatili ay ang saya. Lagi kang magpasalamat sa nasa itaas, dahil ang saya na ipagkakaloob sa iyo ay may kasamang kakaibang suwerte at magagandang kapalarang hindi mo inaasahan. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.







LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sa pagtingala mo sa kabundukan, sa tabing dagat at sa iba pang anyo ng kalikasan, karamihan sa mapagmamasdan mong mga bagay ay pawang naggagadahan, ito ay nagsasabing guguhit sa kapalaran mo ngayon at sa darating pang mga araw ang mga suwerte mo sa buhay na magdaratingan ng mabibilis at hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.









VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Wag kang mag-ingay sa ngayon sa mga plano mo sa buhay dahil baka may mauna pa sa ‘yo ng gawin ang napakagandang balak mo. At minsan naman ay kaiingitan ka pa kung sakali naman ipagiingay mo ang mga plano mo. Kaya ang dapat tahimik ka lang at kapag nagawa mo yan, ang tagumpay at malalaking suwerte ay lubusang mapapa sa ‘yo. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 37, 45.









LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Wag mong madaliin ang kursunda at mga pangarap mong mangyari, dahil sa pagmamadali minsan ang tama ay nagiging mali. Sa halip, sa painot-inot na pagsisikap, maaabot mo rin ang pagyaman at malaking tagumpay na noon mo pa inaasam-asam. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 31, 32, 44.









SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ang matapang dapat hindi marahas. Matapang ka sa ngayon pero hindi porke matapang ka ay hindi mo na gagamtin ang isip at puso mo. Gamitin mo ang iyong isip at puso, kaya dapat wag mo namang labis na kawawain ang iyong mahal, dahil nahihirapan na siya sa kauutos mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 17, 27, 34, 42.







SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi pa hihinto ang pagdagsa sa buhay mo ng magagandang kapalaran. Ang masuwerteng balita ay nagsasabing aabot pa ang agos ng mga suwerte mo sa susunod na buwan ng Enero at sa buong taon ng 2020. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.





CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kahanga-hanga ang iyong mataas na moralidad at ang iyong pagiging mabuting tao, pero ito ay inililiim mo lang. Dahil dito sasamahan at gagantimpalaan ka ng langit, bubuksan sa iyo ang pintuan ng pagpapala at mga suwerte anuman ang hilingin mo sa ngayon ay siguradong mangyayari at magkakatotoo. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.



AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kailangan mo ng oarsyon. Mamayang gabi ibulong mo sa iyong sarili hanggang makatulugan ang ganitong panalangin, “Samahan mo ako Diyos kong mahal, sa lahat ng oras at sa lahat ng sandali ng aking buhay. Ipagkaloob mo ang lahat ng pagpapalang hinihingi ko upang kasabay nito patuloy akong tumulong at magmahal sa aking kapwa Amen!” Kapag nagawa mo yan, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang ibibigay sa iyo ng langit.” Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 34, 43, 45.





PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi kayang dakutin ng kamay ang lahat ng bigas sa lalagyan. Kung ano lang ang kaya mong kunin sa ngayon, yon lang muna ang iyong hangarin at pangarapin at tiyak na ito ay mapapasaiyo. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

02/12/2025

Online Horoscope Disyembre 3

ARIES (Marso 21 – April 19) Ikaw ang dapat manguna sa iyong mga kasama. Kapag pinangunahan mo sila at pinamunuan, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong buhay ngayon papalapit na Kapaskuhan. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 3, 9, 27, 34, 39, 42.







TA**US – (April 20 – Mayo 20) Payag ngayon ang kapalaran na ikaw ay magdikta ng kung ano ang gusto mong mangyari. Puwede ka ring magdikta ng kung anong wish mo ngayong pasko. Kapag may hiniling ka, isa alang-alang mo dapat ang kaligayan ng iba. Kapag ganyan ka, mas marami pang biyaya at pagpapala ang darating sa iyong buhay. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero 3, 11, 21, 31, 35, 40.





GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Higit sa inaasahan ang mapapasa kamay mo. Ibig sabihin ang ibibigay sa iyong suwerte ng langit ay mga biyayang ngayon mo lang matitikman. Ipamahagi mo ito sa iba, upang ang nasabing suwerte at mga biyaya ay lalo pang dumami ng dumami. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5, 16, 27, 35, 38, 43.











CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kung ano ang gusto mo yon ang gawin mo. Hindi ka dapat mag alinlangan sa iyong kakayahan. Dahil kapag nabuo na ang iyong loob, ang suwerte at magandang kapalaran ay sunod-sunod ng ng magdaratingan. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 8, 10, 23, 26, 39, 44.







LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hindi ka mawawalan ng mga taong laging handang sumunod sa iyong mga utos, dahil ikaw ay isinilang na mas mataas kaysa sa mga pangkaraniwang tao, kaya naman ang suwerte mo at magandang kapalaran ay mas mataas din kaysa sa iba. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 6, 12, 19, 37, 39, 41.











VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Susuwertehin ka ngayon, sa kahit na anong larangan, pero may kondisyon na nagsasabing ngayong kapaskuhan, tumulong ka sa isang taong hirap na hirap ang pamumuhay at halos walang pambili ng damit at pang handa sa darating na kapaskuhan. Kapag ganyan ka, ang suwerte at magandang kapalaran ay aapaw sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 5, 8, 22, 38, 40, 44.









LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Gandahan mo ang iyong paraan ng pamumuno sa mga tauhan. Kapag napalapit ang loob nila sa iyo ay tatanggap ka ng mga grasya at maraming mga suwerte na magmumula mismo sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 9, 27, 33, 38, 42.









SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Bawal sa iyo ngayon ang magalit, dahil ang mas marami pang mga suwerte ay darapo sa iyo sa mga sandaling payapa ang iyong kalooban at sa mga sandali na masaya ka. Kaya alam mo na ngayon ang gagawin mo? Alam mo na ba? Magsaya ka! Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 1, 4, 17, 25, 35, 41.







SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Nakatutuwang bagay ang iyong mararanasan ngayon dahil ang iyong mga payo at pananalita ay hahangaan ng iyong mga makakausap. Pero ikaw mismo ay nakakaalam na hindi mo kayang sundin ang mga ito. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 6, 13, 25, 32, 34, 44.





CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Huwag kang mag-alinlangan sundin mo ang iyong mga paa. Dahil ang iyong mga paa, ang tunay na nakakalaam kung saan mo matatagpuan ang iyong ikauunlad at ang iyong ikaliligaya. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 1, 4, 25, 32, 41, 45.



AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Katahimikan ng puso ang kailangan mo ngayon. Kapag payapa ang iyong isip at kapmpante ang iyong damdamin, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang maguunahang dumapo sa iyong pagkatao. Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 7, 14, 24, 36, 37, 42.





PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Papatagin ng langit ang lahat ng mga bako-bakong daan na iyong lalakaran. Kasabay nito, parang winalis, mawawala na rin isa-isa ang iyong mga problema at suliranin sa buhay. Nangangahulugang sa susunod na mga araw, kikinis na uli ang daan ng iyong paglago at malalaking tagumpay.

HIRING ‼️ HIRING ‼️ HIRING‼️STL AGENT (ONLINE KUBRADOR)WORK FROM HOMEPASSIVE INCOME 500 UP TO 1000 PER DAYREQUIREMENTS👇-...
01/12/2025

HIRING ‼️ HIRING ‼️ HIRING‼️

STL AGENT (ONLINE KUBRADOR)

WORK FROM HOME

PASSIVE INCOME 500 UP TO 1000 PER DAY

REQUIREMENTS👇

-VERIFY GCASH ACCOUNT
-1 VALID ID
-TRUSTWORTY
-MASIPAG AT MAPAPAGKATIWALAAN

26/11/2025

Nov. 26
2nd draw Batangas
16*01
Win 10pts ✅🦋
Araw2 Bwenas 🙏🥰💓
Piso tamang 700 ✅✅

25/11/2025

Nov. 24, 2025 Patama Batangas
Piso tamang 700

1st Draw - 3*15
3rd Draw - 1*2
Bwenas 🦋💵✅♥️

Patama kanina 2nd draw6x11 Batangas🦋Bwenaswerte🦋🦋🦋Admin-ivy🦋🦋
20/10/2025

Patama kanina 2nd draw
6x11 Batangas

🦋Bwenaswerte🦋
🦋🦋Admin-ivy🦋🦋

19/10/2025

Oct. 19, 2025
All Day Draw
♥️💚💛♥️💚💛

LAGUNA.........22*21*10*01

QUEZON.........25*22*19*07

BATANGAS....32*27*08*06

RIZAL..............27*24*12*03

❤️💚💛❤️💚💛❤️💚💛
Paya lang walang pilitan
Pwede hinde tayaan🥰
❣️❣️❣️Goodluck❣️❣️❣️

19/10/2025

HOROSCOPE FOR TODAY
OCTOBER 19, 2025

Aries
(March 21 - April 19)
Marami kang pagpipilian kaya pag-isipan mong mabuti kung ano talaga ang gusto mo. Piliin mo ang kaya mong panindigan kahit may kasamang kahirapan. Sa huli, makikita mo na ang pinili mong landas ay hindi mo pagsisisihan.

Lucky color: Red, White
Lucky number: 7, 14, 27

Ta**us
(April 20 - May 20)
Lilipas din ang sakit na nararamdaman mo at darating ang panahon na makakaramdam ka ulit ng tunay na pagmamahal. Kahit ilang beses kang masaktan, matututo ka pa ring magmahal . Huwag mong ibigay agad ang tiwala mo, siguraduhin munang handa ka na para dito.

Lucky color: Purple, Brown
Lucky number: 9, 18, 25

Gemini
(May 21 - June 20)
Ayusin ang paghawak ng pera para hindi ito mauwi sa wala. Pahalagahan ang bawat pinaghirapan at gamitin ito sa mga bagay na makabuluhan. Kapag marunong kang mag-manage ng finances, magiging mas malapit ka sa success.

Lucky color: Blue, Yellow
Lucky number: 6, 15, 21

Cancer
(June 21 - July 22)
May mga taong tutulong sa iyo kahit hindi mo kadugo. Sa kanila mo mararamdaman ang tunay na aruga na matagal mo nang hinahanap. Ibalik sa kanila ang kabutihang natatanggap mo para manatili ang magandang samahan. Iikot ang biyaya kapag walang mapaglamang.

Lucky color: Pink, Gray
Lucky number: 8, 13, 20

Leo
(July 23 - August 22)
Huwag gantihan ang mga taong naging madamot sa iyo. Piliin mong manatiling mabuti at huwag magpaapekto sa kanilang ugali. Ang kabutihan ang iyong magsisilbing kalakasan. Kaya asahan mo na kahit saan ka magtungo, laging bukas ang mga pinito sa pagtanggap sa iyo.

Lucky color: Gold, Black
Lucky number: 10, 22, 30

Virgo
(August 23 - September 22)
Ang dami mong gustong gawin pero hindi mo alam kung alin ang uunahin. Mag-focus ka muna sa isang bagay at gawin ito nang maayos. Kapag kalmado ang isip at may tamang pahinga, doon mo isunod kung ano ang dapat gawin.

Lucky color: Green, White
Lucky number: 5, 17, 24

Libra
(September 23 - October 22)
Hindi mo mararamdaman ang saya sa trabahong hindi mo gusto. Kapag wala sa puso ang ginagawa mo, mahirap makaramdam ng fulfillment. Humanap ng bagay na magbibigay ng Inspiration at motivation para magpatuloy. Dapat makita mo ang mga positibong bagay, para ikaw ay magtagal.

Lucky color: Yellow, Pink
Lucky number: 3, 12, 26

Scorpio
(October 23 - November 21)
Bigyan ng atensyon ang relasyon at iparamdam sa iyong mahal ang halaga niya. Iwasan ang misunderstanding sa pamamagitan ng tapat na pag-uusap. Sa ganoong paraan, mas tatatag at lalalim ang samahan na hindi masisira ninuman.

Lucky color: Black, Blue
Lucky number: 8, 19, 28

Sagittarius
(November 22 - December 21)
Maghanap ng stable na trabaho o pagkakakitaan na makapagbibigay ng security. Sa pamamagitan ng iyong effort at dedication, mas makikita ng iba ang halaga mo. Kapag may sariling pinagkakakitaan, mas buo ang tiwala mo sa sarili.

Lucky color: Orange, White
Lucky number: 9, 16, 23

Capricorn
(December 22 - January 19)
Sayang ang oras kung palaging nag-aalangan. Simulan mo na ang gusto mong gawin at huwag hayaang maunahan ng pagdududa. Hindi pa huli para bumangon at gumawa ng bagong simula.

Lucky color: White, Gray
Lucky number: 4, 11, 20

Aquarius
(January 20 - February 18)
May bagong opportunity na paparating kaya huwag kang matakot subukan. Kaya mong i-handle ito kung gagamitin mo ang iyong talento at confidence. Magtiwala sa sarili at ipakita sa lahat na kaya mong magtagumpay kahit dumanas ka ng matinding hirap.

Lucky color: Blue, Green
Lucky number: 6, 13, 29

Pisces
(February 19 - March 20)
Hindi mo kailangang akuin ang lahat ng problema ng iba. Maaari kang tumulong pero huwag hayaang umasa sila nang sobra. Mas magiging magaan ang pakiramdam mo kapag natuto kang maglagay ng limitasyon sa sarili.

Lucky color: Green, Yellow
Lucky number: 7, 18, 31

Address

Batangas City

Telephone

+639461633125

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Stl Batangas Bwenas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Stl Batangas Bwenas:

Share