30/05/2026
Sa totoo lang, akala na ni Ma'am wala nang pag-asa ang laptop niya. Ang sabi kasi sa kanya, ang pinaka-huling option na lang daw ay magpalit ng motherboard na aabot ng ₱18,000. Dahil doon, naisip na lang niyang mag-ipon para bumili ng bagong laptop at itinago na muna ito sa cabinet nang ilang buwan.
Pero sa huling pagkakataon, bumiyahe pa si Ma'am mula Pangasinan papuntang Pampanga para ipa-check ulit. Ilang oras ding biyahe 'yon ah! 😅
Pagdating dito, halata namang matagal nang nakaimbak ang laptop, makapal na ang alikabok at parang isinuko na rin ang laban. Pero habang chine-check namin, may nakita kaming mga senyales na parang bumubulong ang laptop ng, "Boss, kaya ko pa!" 😂
Hindi man umabot ng kalahating oras, naibalik namin ito sa buhay. Plano pa sana naming i-prank si Ma'am na, "Sorry Ma'am, wala na talaga..." para mas dramatic ang reveal. Kaso nakita namin yung pagod niya sa biyahe at stress niya sa laptop kaya naawa na kami. Hindi na namin tinuloy. 🤣
Nang sabihin naming okay na ang laptop, bumalik agad ang ngiti ni Ma'am. Ang mas nakakatawa? ₱2,500 lang ang naging bayad niya.
Sabi niya, "Ha? Sigurado? Akala ko aabot ng ₱5,000 hanggang ₱10,000 ang babayaran ko. Naka-ready na nga pera ko eh!"
Doon kami napaisip…
Ma'am, bakit di mo naman agad sinabi? 😭😂 kahit 8k lang sana hahahaha charot