29/08/2026
Dahil sa , nagpapatuloy ang banta ng matinding pag-ulan at posibleng pagbaha sa ilang bahagi ng Luzon.
Kaninang 11 AM, itinaas ng DOST-PAGASA ang Red Warning Level sa Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Occidental Mindoro, at mga bahagi ng Tarlac, Batangas, Cavite, at Rizal.
Nasa Orange Warning Level naman ang Laguna at iba pang bahagi ng Tarlac, Batangas, Cavite, Rizal, at Occidental Mindoro.
Nakataas naman ang Yellow Warning Level sa Nueva Ecija, Pangasinan, at iba pang bahagi ng Quezon, Batangas and Occidental Mindoro.
I-check ang online channels ng PAGASA at ng inyong LGUs para sa pinakabagong warning levels at advisories. Kung nasa lugar na maaaring bahain, maging alerto at sundin ang evacuation instructions ng inyong LGU.
Para maprotektahan ang inyong modem at gadgets, ilagay ang mga ito sa mataas at tuyong lugar na hindi maaabot ng tubig-ulan. Maghanda rin sa posibleng brownouts.
Patuloy na sinisikap ng aming network teams na maibalik ang connection sa mga apektadong lugar sa Cordillera, Ilocos, Central Luzon, CALABARZON, at Metro Manila. As of 9:42 AM, naibalik na ang internet services sa 75% ng aming subscribers na apektado ng ulan at bahang dala ng Habagat.
Priyoridad ng Converge ang kaligtasan ng lahat ng aming customers, partners, at mga empleyado sa mga apektadong lugar. Dahil dito, posibleng maantala ang installation at repair sa mga lugar na may baha at may dalang panganib dahil sa ulan.
Pansamantalang sarado ang ilan sa aming business centers sa mga bahagi ng Metro Manila, Bataan, Laguna, Pampanga, at Zambales: https://www.facebook.com/share/p/1EXo5utFct/
May free Wi-Fi at charging stations naman tayo sa ilan naming business centers sa mga apektadong lugar.
Patuloy na bukas para maglingkod sa inyo ang aming online channels. Maaari din ninyong imonitor ang Converge Support social media pages para sa karagdagang updates.
Ingat, mga ka-Converge!