EZ TECH Sanlorenzo Ruiz Branch

EZ TECH Sanlorenzo Ruiz Branch teamkabet
start @ P799

25/09/2026

πŸ“’ PAALALA PO SA LAHAT NG AMING CLIENTS
EZTECH SAN LORENZO RUIZ BRANCH

Magandang araw po sa lahat ng aming clients. 😊

Pakiusap po, huwag po sana agad magalit o isipin na may problema agad sa internet service kapag nakakaranas ng mabagal na browsing.

Bago po tayo magreklamo, maaari po munang i-check kung ilan na ang devices/users na nakakonekta sa inyong internet.

Halimbawa po, kung ang inyong plan ay β‚±799 na entry-level plan at marami nang gumagamit o nakakonekta sa Wi-Fi, posible pong magkaroon ng overload o congestion, lalo na kung sabay-sabay gumagamit ng Facebook, TikTok, YouTube, online games, streaming at iba pa.

May mga pagkakataon po na nagre-report ang client ng β€œslow browsing,” ngunit kapag chine-check o nireremote namin ang connection, nakikita po namin na napakarami na pala ng nakakonekta sa Wi-Fi/listing.

Kung halimbawa ay 40+ devices/users ang nakakonekta at sabay-sabay gumagamit, talagang maaaring bumagal ang internet dahil hindi na sapat ang bandwidth para sa sabay-sabay na paggamit.

πŸ”§ MGA POSIBLENG SANHI NG PROBLEMA

Hindi po lahat ng mabagal na internet ay dahil sa aming main line. Maaari rin pong manggaling sa:

β€’ Connector – maaaring maluwag o may problema
β€’ Modem/Router – maaaring kailangan ng checking o troubleshooting
β€’ Internet cable/fiber – maaaring may bend, damage o ngatngat
β€’ Maraming nakakonektang devices – maaaring magdulot ng overload
β€’ Sabay-sabay na heavy usage – streaming, gaming, downloads at iba pa

πŸ“Œ Kung may problema po talaga sa inyong internet, I-REPORT LANG PO NINYO SA AMIN.

Huwag po kayong mag-alala. Iche-check po namin agad ang inyong connection, at kung kinakailangan ng onsite visit, pupuntahan po namin upang mahanap at maayos ang problema.

Kung kaya naman pong ma-diagnose remotely, makikita rin po namin agad kung saan nanggagaling ang problema at mabibigyan namin kayo ng tamang solution.

At kung may malawakang problema o maintenance sa aming network, kami po mismo ang magbibigay ng announcement sa aming official page at hihingi po kami ng inyong pang-unawa at pasensya.

πŸ™ Konting pang-unawa at pakikipagtulungan po sana.

Layunin po namin na maibigay ang maayos at stable na internet service sa lahat ng aming clients. Kaya bago po tayo magalit, ipa-check muna natin ang connection para malaman natin ang totoong dahilan ng problema.

Maraming salamat po sa inyong tiwala, pang-unawa at patuloy na suporta. ❀️

EZTECH SAN LORENZO RUIZ BRANCH
πŸ“‘ Serbisyong maaasahan, para sa bawat tahanan.

07/08/2026

19/07/2026

πŸ“’ EMERGENCY MAINTENANCE ADVISORY

To Our Valued Subscribers – Phase 2, San Lorenzo Ruiz

Magandang araw po.

Nais po naming ipabatid na magkakaroon ng Emergency Maintenance sa inyong lugar upang palitan ang kasalukuyang linya ng internet na may natukoy na pinsala. Isinasagawa po ang maintenance na ito upang maiwasan ang patuloy na aberya at mapabuti ang kalidad at katatagan ng aming serbisyo.

Habang isinasagawa ang pagpapalit ng linya, maaaring makaranas ng pansamantalang pagkawala o pagkaantala ng internet connection.

Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang abalang maidudulot nito at lubos naming pinahahalagahan ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Ang gawaing ito ay para sa mas maayos, mas mabilis, at mas maaasahang serbisyo ng internet.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta.

– Management

12/06/2026

Thank you kots Joey Padullon Abringe
more blessings to come and godblessπŸ™πŸ™πŸ™

EZTECH SANLORENZO RUIZ BRANCHADVISORY NOTICEMagandang araw po sa aming mga minamahal na subscribers at kliyente.Nais po ...
24/05/2026

EZTECH SANLORENZO RUIZ BRANCH
ADVISORY NOTICE

Magandang araw po sa aming mga minamahal na subscribers at kliyente.

Nais po naming ipabatid na magkakaroon po tayo ng Server Upgrade at Maintenance Activity
Bilang bahagi ng patuloy naming pagpapabuti ng aming internet service upang mas mapabilis, mas maging matatag, at mas maayos ang inyong koneksyon.

Dahil dito,
maaaring makaranas ng pansamantalang pagkawala ng internet connection habang isinasagawa ang maintenance.

πŸ“… Petsa: Friday, May 29, 2026
πŸ•› Oras ng Pagsisimula: 12:00 ng tanghali onwards

"Mangyaring tandaan na wala pa pong eksaktong oras kung kailan matatapos ang maintenance activity, dahil ito ay nakadepende pa rin sa kasalukuyang server upgrade at system optimization process.

Ang maintenance na ito ay mahalagang hakbang upang mapanatili at mapaganda pa ang kalidad ng aming serbisyo para sa inyong lahat.

Kami po ay taos-pusong humihingi ng kaunting pasensya at pang-unawa sa abalang maaaring maidulot nito.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta sa aming serbisyo.

β€” EZTECH SANLORENZO RUIZ BRANCHπŸ™πŸ™πŸ™

17/05/2026

πŸ“’ NOTICE TO ALL SUBSCRIBERS πŸ“’
Magandang araw po mga ka-EZTECH!
Ipinaaalam po namin na magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng internet connection simula 2:00 PM onwards dahil sa pagpapalit ng NAP Box sa may playground area. Ito po ay bunsod ng mataas na reading ng linya upang maiwasan ang mas malalang aberya at mapabuti ang kalidad ng aming serbisyo.
Humihingi po kami ng kaunting pasensya at pang-unawa sa magiging abala habang isinasagawa ang maintenance at upgrading ng aming linya.
Ginagawa po namin ito para sa mas maayos, mas mabilis, at mas matatag na internet connection para sa inyong lahat.
Maraming salamat po sa inyong suporta at pag-unawa.
β€” EZTECH San Lorenzo Branch

14/05/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT SA AMING MGA VALUED SUBSCRIBERS

PH 1 SANLORENZO RUIZ

Magkakaroon po ng pansamantalang pagkawala sa ilang oras dahil kasalukuyan po kaming nagsasagawa ng maintenance at troubleshooting sa NAP Box ng playground ilang clients ang mawawalan pansamantala ,
matapos makitaan ng mataas na reading na maaaring makaapekto sa kalidad ng internet connection.

Ginagawa po namin ang lahat upang agad itong maayos at mapanatili ang mas mabilis, stable, at maayos na serbisyo para sa lahat ng aming subscribers.

Humihingi po kami ng kaunting oras, pang-unawa, at pasensya habang isinasagawa ang maintenance.

Maraming salamat po sa inyong tiwala at patuloy na suporta sa aming kompanya. πŸ™

14/05/2026

πŸ“’ PAALALA SA AMING MGA SUBSCRIBERS/CLIENTS

Magkakaroon po ng pansamantalang pagkawala ng internet connection dahil magsasagawa po kami ng paglipat ng server sa ibang port upang mas mapaganda at mas maging maayos ang aming serbisyo.

Humihingi po kami ng kaunting pang-unawa at paumanhin sa abalang maidudulot nito.

5 TO 1OMINS.

Maraming salamat po sa inyong suporta at pag-unawa. πŸ™

EZTECH SANLORENZO

magandang tanghali po..pahintay lng po sa mga nawalan ng internet nagkarun po ng putol sa linya...nilalatagan lng po nam...
09/05/2026

magandang tanghali po..pahintay lng po sa mga nawalan ng internet
nagkarun po ng putol sa linya...
nilalatagan lng po namin ng bago...
unting pasensya lng po maraming salamat po

02/04/2026



HOLIDAY ADVISORY!

Magandang araw po sa aming mga valued subscribers/CLIENTS!

Ipinapaalam po namin na sa darating na Holy Week (April 2, 3 & 4) ay pansamantalang walang installation at repair services ang aming technical team bilang paggunita sa mahalagang okasyong ito.

πŸ“Œ Schedule ng serbisyo:

❌ April 2, 3 & 4 – Walang installation at repair
βœ… Magre-resume ang normal operations pagkatapos ng nasabing petsa

Para sa mga concerns, maaari pa rin po kayong mag-message, ngunit ang mga request para sa repair ay aasikasuhin pagkatapos ng holiday.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pang-unawa.

EZTECH SANLORENZO RUIZ BRANCH

Address

Brgy San Juan Taytay Rizal
Taytay
1920

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when EZ TECH Sanlorenzo Ruiz Branch posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share