23/09/2026
SALUDO AT MARAMING SALAMAT PO SA TANZA POLICE STATION!
An appreciation post for Tanza Pnp & PNP Tanza Municipal Police Station
For Context:
Nito lamang 11AM (09/23/26), natangayan ako ng IPAD A16 256GB na nagkakahalaga ng halos ₱26,000.
Nabiktima po kami ng tinatawag na "middle man". Kung saan 'yung inaakala kong legit na buyer ay may isa pa palang kinakausap na buyer at lahat ng detalye na mula sa akin ay ibinibigay niya rito.
Hindi ko na po ilalapag ng detalyado at masyado pong mahabang usapin kung paano ito nakalusot. May mga naging pagkakamali po ako na nagsilbing aral na lang din.
Paalala na lamang po ito na mas maging maingat po tayo sa mga nakakasalamuha natin kapag bumibili o nagbebenta online.
———
Lubos naman po akong nagpapasalamat sa Tanza Pnp dahil sa mabubuti at mabibilis pong umaksyon na mga kapulisan.
Kay Ma'am Lyn Cee at Sir Angelito Tulao na nag-assist po sa akin time-to-time hanggang sa makaalis kami papunta sa drop-off location ng unit.
Lalong-lalo na po sina Sir Levie Sinatad at Sir Buzzer Be**er Rcrim na sinamahan po ako puntahan ang location (Cainta, Rizal). Wala pong nasayang na mga oras. Kahit na malayo at hindi pa nakakain ay agad na po nila akong sinamahan at tinulungang mabawi 'yung item. Tinanggap ko na po na baka hindi na mabawi, pero salamat po kay na Sir dahil desidido po silang mahahanap at maibabalik ang unit.
Lahat din po nang ito ay dahil sa urgent command at guidance ng butihing hepe PLTCOL Chester Noel Borlongan. Maraming-maraming salamat po!
4PM (09/23/26) tuluyan ko pong nabawi ang unit.
Napakalayo ng biyahe para lang matulungan ang isang citizen ng Tanza.
Totoo nga ang sabi ni Mayor, "BAWAL ANG MASUNGIT" lahat ng kawani ng Tanza, lalo na ang ating mga pulis, ay maaasahan at may tunay na malasakit!
Maraming-maraming salamat po sa inyo! Saludo po ako sa inyong serbisyo!