10/04/2023
PUBLIC SERVICE│ ISANG AMA NA NAG-AAGAW BUHAY, NAIS MAKITA AT HUMINGI NG TAWAD SA KAISA-ISANG ANAK NA NAWALAY SA KANYA
Nananawagan ngayon si Ms. Malyn A. Maro ng Brgy. Sta. Monica, PPC kay ginoong Ricky Andaya.
Ayon sa kanya, ang tatay ni Ricky na si Puliding andaya, mahigit 60 anyos ay malubha ang kondisyon habang sa Aborlan Medicare Hospital simula kagabi.
Hindi na raw ito makausap ng maayos dahil sa pag-inda ng sakit sa katawan pero hindi pa ito ma-determina at nais nilang mailipat sa Ospital ng Palawan.
Nais ng pamilya na iparating sa sinuman ang kinaroroonan ni Ricky na ipag-bigay alam sa Brigada o kay Ms. Malyn dahil wala itong contact sa kanila.
Edad 16 pa lamang umano si Ricky at si tatay “Puliding” nang sila’y magkahiwalay dahil sa hindi pagkakaunawaan.
Samantala, nananawagan din ng tulong-pinansyal si Ms. Malyn para sa gastusin sa ospital.
Contact no: Ms. Malyn A. Maro, 0997-982-9508
Para sa mga nais magpadala ng cash donation. Maaaring magpadala sa Brigada GCASH Account: 0998-239-5970
Maraming Salamat, Ka- Brigada!