14/09/2026
HINDI MO KAILANGANG LUMAYO PARA MASABING NAKAABANTE KA SA BUHAY.
Marami ang nagsasabi, “Masarap ang buhay sa ibang bansa.”
And I believe them. Maraming opportunities abroad, maraming success stories, at saludo ako sa mga kababayan nating nagsakripisyo at nagtagumpay doon.
Pero habang tumatagal, may isang bagay akong mas lalong naa-appreciate:
Iba pa rin kapag malapit ka sa pamilya mo.
Nandito ka sa Pilipinas. Makakasama mo sila. Makakakain kayo nang sabay. Makakagala ka. Makakauwi ka kapag kailangan ka. At habang nagtatrabaho ka, hindi mo kailangang hintayin ang next vacation para lang makasama ang mga taong mahalaga sa'yo.
Life is short.
Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo bibigyan ng pagkakataong mabuhay—55, 65, 75, 85 or even longer. Kaya habang nandito tayo, work hard, build your future, but don’t forget to actually live your life.
Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong i-share ang naging journey ko.
I started from scratch.
Hindi naging requirement sa journey ko na permanenteng magtrabaho abroad para magkaroon ng magandang career. Nagkaroon man ako ng opportunities involving other countries, malaking bahagi ng career ko ay nabuo habang nandito ako at eventually through work-from-home and technology.
At iyon din ang gusto kong maituro sa ibang tao:
Possible magkaroon ng technical career habang malapit ka sa pamilya mo.
Hindi ko sinasabing ito ang tamang path para sa lahat. Iba-iba tayo ng opportunities, responsibilities at pangarap. Pero kung isa ka sa mga taong gustong magkaroon ng magandang trabaho sa IT habang nandito sa Pilipinas, gusto kong malaman mo na may path para doon—pero kailangan mong paghirapan at pag-aralan.
Kaya kapag nagtuturo ako ng Linux, Cloud, Database, Data Analytics, Programming, Automation at iba pang technologies, hindi ko gustong matapos ang training na puro definition lang ang alam ninyo.
Ayokong pagdating sa technical interview:
“Sir, nabasa ko po iyan… pero hindi ko po alam paano gamitin.”
Gusto ko kapag tinanong kayo sa technical exam o interview, may maisagot kayo dahil ginawa ninyo mismo.
Kaya structured ang training.
Concept → Demo → Hands-on → Troubleshooting → Corporate Use Case → Real-world Scenario.
Hindi ako mahilig sa training na puro PowerPoint.
Gusto ko mag-command kayo.
Gusto ko mag-configure kayo.
Gusto ko magkamali kayo sa laboratory.
Gusto ko makita ninyo ang error.
At higit sa lahat, gusto kong matutunan ninyo kung paano ito ayusin.
Because in the corporate world, hindi naman laging multiple choice ang problema.
Kapag may server na down, database issue, automation na hindi gumagana, dashboard na mali ang numbers, o application na may error—kailangan marunong kang mag-isip at gumawa.
At kapag dumating ang araw na nasa technical interview ka na, gusto kong pumasok ka roon na hindi blanko.
Hindi kailangan alam mo lahat.
Pero gusto kong masasabi mo:
“Yes, familiar ako diyan. Na-configure ko na ’yan. Na-troubleshoot ko na ’yan. Ginawa namin ’yan sa hands-on.”
That is the purpose.
Hindi lang certificate.
Hindi lang attendance.
Hindi lang matapos ang course.
Skills that can create opportunities.
At kung ang skills na iyon ang magiging dahilan para magkaroon ka ng magandang career habang nakakasama mo ang pamilya mo—then para sa akin, malaking achievement na iyon.
Sa lahat ng nagtitiwala at nagte-training sa akin, maraming salamat. 🙏
I will continue sharing what I learned from experience—from starting from scratch, building a career in technology, working with corporate environments, and learning that success doesn't always mean you have to be far away from home.
Earn. Learn. Travel. Enjoy. Spend time with your family.
Because at the end of the day, ang pinakamahalagang resource natin ay hindi pera.
Oras.
Puwedeng bumalik ang pera.
Puwedeng magkaroon ulit ng trabaho.
Puwedeng gumawa ulit ng opportunity.
Pero ang oras na lumipas kasama ang pamilya, hindi na natin mabibili pabalik.
Enjoy your journey. Stay humble. Keep learning.
Build your skills. Build your career. And whenever possible, build a life you can actually enjoy.
— Prof. Dale