23/10/2025
"Bahay, lupa, sasakyan — wala pa ako n'yan."
Paulit-ulit na hinahanap 'yan sa mga usapin sa labas. Ngumingiti nalang at sabay sagot ng,
"Darating din."
Tuwing umaga, maagang nagbubukas ng maliit na printing shop sa kanto.
Amoy tinta, amoy papel, at amoy ng mga makinaryang bagong bukas ang bumabati.
Minsan, sabay nilalabanan ang antok at pangamba —
pero sa bawat gising, dala ang parehong layunin:
𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆.
Hindi nakamit ang tagumpay agad.
May araw na sira ang printer, may kliyenteng nag-cancel, may panahong lugi.
Pero sa bawat pagkakamali, natututo.
Sa bawat customer na bumabalik, nabubuhayan.
Minsan habang pinagmamasdan ang lumang signage ng tindahan, napapangiti na lamang.
Hindi dahil malaki na ang kita —
Kundi dahil 𝘯𝘢𝘯𝘥𝘺𝘢𝘯 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯.
Matatag. Umaasa. Gumagawa ng paraan.
Kaya tuwing may nagtatanong,
"Wala ka pa ring bahay? "Wala ka pang kotse?"
Ang sagot,
"Wala pa, pero may direksyon. May dahilan."
Dahil ang bahay, lupa, at sasakyan ay bunga —
ng mga taon ng sipag, tiwala, at paniniwala.
At kahit wala pa n'un,
meron namang 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝘁𝗶𝗻𝘂𝘁𝘂𝗹𝘂𝘆𝗮𝗻,
𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝘆𝘂𝗮𝗻,
at 𝗽𝘂𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻.
At sa huli, napapangiti pa rin habang pinapatay ang ilaw
ng shop,
sabay bulong sa sarili:
"Hindi pa man ako mayaman, pero mayaman na ako sa dahilan kung bakit ako nagsimula."