09/08/2026
📢 PAALALA SA BAYARIN | EVERY 5TH OF THE MONTH
Magandang araw po, mga suki at subscribers! 💙
Paalala lamang po sa lahat ng nakaiskedyul ang pagbabayad tuwing ika-5 ng buwan.
Mayroon po tayong 7 araw na palugit (grace period) mula sa inyong takdang araw ng pagbabayad upang maayos at maisettle ang inyong buwanang bayarin.
Mangyari lamang po na pakibayaran ang inyong account sa loob ng itinakdang palugit upang patuloy pa rin ang inyong internet connection at maiwasan ang pagkaantala o pagkaputol ng serbisyo.
Kung sakaling magkakaroon po ng delay sa inyong pagbabayad, mangyaring ipagbigay-alam po sa amin nang maaga.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikipagtulungan, at patuloy na pagtitiwala sa JolliWiFi! 💙📶