19/06/2026
💔 "Ito na lang ang natitirang litrato ng kanyang kuya."
Mahigit 20 taon na ang nakalipas mula nang siya ay pumanaw, ngunit nananatili pa rin ang kanyang alaala sa puso ng kanyang pamilya.
Sa paglipas ng panahon, nasira at kumupas ang larawang ito. Kaya naman ipinagkatiwala nila ito sa amin upang muling maibalik ang linaw at mabigyang-buhay ang isang napakahalagang alaala.
Hindi lang ito simpleng restoration ng litrato. Isa itong paraan upang muling makita ang isang taong mahal na mahal nila at hindi kailanman malilimutan.
Maraming salamat sa tiwala. ❤️
📩 May lumang litrato ka rin bang nais ipa-restore? Mag-message lang sa aming page.